Sharon Cuneta not invited to the Star Magic Ball; declines Martin Nievera's offer to be his date

IMAGE Facebook photo of Sharon Cuneta

"Don't you worry, I know my worth," Sharon Cuneta tells Martin Nievera after declining his offer to be his date at the Star Magic Ball.


Maraming fans ang hindi makapaniwalang hindi imbitado ang Megastar na si Sharon Cuneta sa Star Magic Ball ngayong taon.

Ang Star Magic Ball ang isa sa pinakaaabangang event sa showbiz dahil dito nagsasama-sama ang mahigit 300 artists ng ABS-CBN, na nasa ilalim ng talent arm nitong Star Magic.

Bukod sa Star Magic talents, may ilan pang mga kilalang personalidad sa industriya ang imbitado sa taunang pagtitipon na ito.

Sa Instagram account ni Sharon kahapon, September 28, tila may halong pasaring ang caption sa post niya tungkol sa Star Magic Ball, na gaganapin sa Makati Shangri-La, ngayong Sabado, September 30.

Sabi ng 51-year-old actress-singer: “Must be thrilling for everyone invited to the Star Magic Ball as they prepare for it this year! (My invite probably got lost on its way to me? That's okay. Too late to have a gown made now even if it arrives. :-)) Have fun everyone!”

Sa post ni Sharon, nagkomento ang kapwa niya singer at Kapamilya artist na si Martin Nievera.

Inimbitahan siya ng Concert King na maging date nito sa Star Magic Ball.

Sabi ni Martin kay Sharon: “Come with me you can be 'our' date.” 


Sagot naman ni Sharon: “Oh it's okay shweetert. I have lots of important things to attend to. My babies and I can always hold our own Cinderella ball anywhere we choose to. Would've loved to be your 'date' but no time to have a gown made na. It's okay.”

Pahabol pa ng Megastar: “P.S. Don't you worry, I know my worth.”



Samantala, isang netizen ang nagsabi kay Sharon ng: “Just go. You're The Megastar, no need for invite.”

Tugon naman ng actress-singer: “Thanks so much. But I was raised never crash a party!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Matatandaang noong 2016 ay nagpahayag din si Sharon ng pagnanais na dumalo sa Star Magic Ball.

Sabi pa ng Megastar, taun-taon siyang iniimbitahan, ngunit hindi siya nakakapunta noon dahil nais muna niyang pumayat.

Noong nakaraang taon sana ang tamang pagkakataon, subalit nakasabay naman nito ang kanyang concert.

Kaya sabi ni Sharon sa kanyang post noong 2016: “Sige na. Next year na lang (nekshyir nat dishyir) ako pupunta. Baka payat na payat na ako noon. Nekshyir na talaga God-willing! Gusto ko mapagkamalang ako ang girlfriend ni Coco na di nila kilala kung sino kasi ampayat!”


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta heartbroken over missing the Star Magic Ball
Sharon Cuneta heartbroken over missing the Star Magic Ball


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN