Julia Clarete shames basher who calls her "losyang"

IMAGE Facebook / Instagram

Former Eat Bulaga! host Julia Clarete hits back at basher who criticized her appearance. 


Hindi napigilang magkomento ng dating Eat Bulaga! host na si Julia Clarete sa isang netizen matapos siyang laitin nito at gusto pang intrigahin. 

Nag-post sa Facebook ang 38-anyos na actress-host ng screenshot ng mga komento ng ilang netizens, kabilang ang basher na lumait sa kanya, noong Miyerkules, September 27.

Tinawag ng basher si Julia na "payat," "losyang," at pinansin pa ang pasa sa kaliwang braso nito.

Ang simpleng tugon ni Julia rito, “Nakakahiya naman sayo…”

Sa caption ng post ni Julia, sinabi niyang masarap ding pumatol sa bashers paminsan-minsan.

Pero tiniyak ng aktres na hindi niya ito gagawing libangan.


Marami namang netizens ang nagpakita ng suporta kay Julia, kabilang ang kanyang avid supporters.

Paalala ni Julia sa mga nagmamalasakit sa kanya, walang dapat ikabahala kung may mga taong naninira.

“Wag niyo na ika-stress, bagkus magpasalamat tayo na minsan may mga ganito ng bagay na nangyayari sa atin. Lumalabas tuloy ang pagkakaisa. Diba? Love it!

"Love you guys and gals! Stay sweet and funny, forgive and carry on!" bahagi ng kanyang komento.


Kasalukuyang naninirahan sa Kuala Lumpur, Malaysia, si Julia.

Ikinasal siya sa kanyang long-time Irish boyfriend na si Garreth McGeown sa Ballynahinch Castle Hotel noong Hulyo. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN