Aljur Abrenica speaks up about hurtful comments after admitting Kylie Padilla's pregnancy

IMAGE Noel Orsal

Aljur Abrenica on bashers: "Nababasa ko sila. Naapektuhan tayo dahil tao lang din, nasasaktan din, napipikon din. Pero kung lagi akong napupunta sa pag-isiip na, 'Bakit ko ba ito ginawa? Para saan?' Pag naiisip ko na ang pamilya ko, lalung-lalo na si Alas, nawawalan ng saysay ang bashers, e."


Pagkatapos ng walong buwan, muling humarap para sa isang eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica.

Matatandaang noong January 25 2017, sabay na nagpa-interview si Aljur at ang fiancée niyang si Kylie Padilla sa PEP.ph.

Dito nila unang kinumpirmang buntis si Kylie sa kanilang panganay na anak.

Kasunod nito ay nakatanggap ng matinding pambabatikos si Aljur mula sa netizens, na karamihan ay mga tagahanga ni Kylie at ng telefantasyang Encantadia ng GMA Network.

Kinailangan kasing tanggalin si Kylie sa programa, kung saan may malaking papel ang aktres, dahil sa maselan nitong kalagayan.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Kylie Padilla reveals parents' reaction to her pregnancy
Is Kylie's pregnancy being used for <em>Encantadia</em> promo?
Is Kylie's pregnancy being used for Encantadia promo?

Ngayong araw, September 28, ay muling nagpaunlak ng eksklusibong panayam sa PEP.ph si Aljur.

Naganap ang panayam namin sa mismong bahay nina Aljur at Kylie sa may Tomas Morato, Quezon City.

Una naming inusisa kay Aljur kung paano niya hinarap ang mga batikos sa kanya noon.

Tugon ng 27-year-old actor, “Hinarap ko lang.

"Kasi kung meron man akong natutunan, ito ‘yan, e.

"Marami akong inilaan na panahon sa aking sarili para makapag-isip nang mag-isa.

“Kadalasan, ang lagi kong kasama ay pamilya ko.

"So, lahat ng mga advice na nakuha ko sa mga magulang ko, nakuha ko—suporta, panahon.

"Ito lang, paano ko siya hinarap, lagi akong bumabalik sa sinabi ng tatay ko na tuloy lang ang buhay.

"Sabi niya sa akin, ‘Anak, ngayon tatay ka na rin, magiging tatay ka na, sa isang iglap, itong nangyayari sa atin ngayon, maaaring magkapalit tayo ng posisyon, si Alas na ang kausap, ganun pa man, tuloy lang ang buhay.’

“Narinig ko yun na galing sa tatay ko, na apat kami magkakapatid, at sa iba ko pang kapatid na mga kuya ko, at nakikita ko siyang maayos ngayon, naging inspirasyon siya sa akin.”

Si Alas ang magdadalawang-buwan pa lamang na anak nina Aljur at Kylie.

ALJUR VS THE BASHERS. Kahit kaliwa’t kanan siyang binibira noon sa social media, wala raw siyang sinagot sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit aminado si Aljur na nasaktan siya sa karamihan ng kanyang nababasa.

Saad niya, “Wala. My priority kasi is Alas, yung welfare niya, yung kalusugan niya.

"So, yun ang kailangan kong i-priority.

“Para makuha ko yun, is to be better myself sa line of work, which is acting.

"Nababasa ko sila. Naapektuhan tayo dahil tao lang din, nasasaktan din, napipikon din.

"Pero kung lagi akong napupunta sa pag-isiip na, ‘Bakit ko ba ito ginawa? Para saan?’

“Pag naiisip ko na ang pamilya ko, lalung-lalo na si Alas, nawawalan ng saysay ang bashers, e.”

Bagamat nakatanggap siya ng matinding batikos, sinabi ni Aljur na gumaan ang kanyang pakiramdam pagkatapos ng January interview sa kanya ng PEP.ph.

Pahayag niya, “Oo, e. Kasi sa mahabang panahon, nagkimkim ako ng totoong naramdaman ko.

"Tumigil ako sa social media, ayokong maglabas ng totoo kong naramdaman, kasi takot ako, e.

“Takot ako sa puwedeng mangyari kapag nagsalita ako.

"E, sabi ko, kailangan ko nang harapin 'to kundi, tinimbang ko na mas…

"Ang nakasalalay dito ay yung buhay ko, buhay ni Kylie, buhay nung bata na lalabas.

"Nagsalita na ako.

“Kasi balang-araw, kung babalikan natin yung nangyari, ayaw ko namang pagsisihan ko na bakit hindi ko siya ipinaglaban.

“O kaya, yung bata, makita niya kung bakit hindi ko siya ipinaglaban.

"So, nakaluwag siya sa akin. Masayang-masaya ako."


FROM POSITIVE TO NEGATIVE. Mula nang aminin nina Aljur at Kylie na nagdadalantao ang aktres sa panganay nilang anak, marami nang pagbabagong nangyari sa kanilang dalawa.

Una na rito ang pag-alis ni Aljur sa bakuran ng GMA Network, pagkatapos ng sampung taon.

Ngayon ay nasa bakuran na siya ng ABS-CBN, kung saan napanood na siya sa mga programang FPJ's Ang Probinsyano, Gandang Gabi Vice, at Maalaala Mo Kaya.

Si Kylie naman ay pansamantalang namamahinga sa showbiz dahil sa pagbubuntis at panganganak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong August 4 ay isinilang ni Kylie ang anak nila ni Aljur, si Alas Joaquin.

Ayon sa bagong Kapamilya actor, naging positibo ang resulta ng mga pangyayari sa buhay nila.

Unti-unti na raw siyang bumabangon mula sa mga pinagdaanang pagsubok nitong mga nakaraang buwan.

Saad ni Aljur, “It came to a point sa buhay ko na… ang sarap kasi maging kumportable.

“Kumportable ka sa buhay, kung ano sa mga nakasanayan mo.

"Dumating ako sa point na, ‘Teka lang, I have to move forward.’

"Kasi itong mga susunod na yugto sa buhay ko, panibagong chapter, hindi na ako gagawa or gagalaw ng mga bagay na para sa akin lang.

“May isa pang buhay na nakasalalay sa mga gagawin.

"So, every decision I make, na lagi ko isasama ang isang bagong… si Alas, sa bawat desisyong gagawin ko sa buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN