Aljur Abrenica finally admits short-lived romance with Louise delos Reyes

IMAGE Noel Orsal

Masaya raw si Aljur Abrenica na muli niyang nakatrabaho ang dating kapwa Kapuso star na si Louise delos Reyes ngayong pareho na silang nasa ABS-CBN. 


Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Aljur Abrenica na nagkaroon sila ng short-lived romance ni Louise delos Reyes noong nasa bakuran pa sila ng GMA Network.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur ngayong Biyernes, September 29, ay inusisa namin siya tungkol sa napabalitang relasyon nila ni Louise.

Ito ay dahil pareho na silang lumipat sa ABS-CBN at magsasamang muli sa upcoming episode ng weekly fantasy series na Wansapanataym: Louie's Biton.

Tanong ng PEP.ph: Naging sila ba talaga ni Louise dati?

Sagot ng 27-year-old actor, "A, sinabi ko na 'yan noon... oo, isang buwan."

Hindi raw nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa kumplikadong sitwasyon nila noon.

Sabi ni Aljur, “Magulo kasi nung time na yun, e.

"We just realized na mas mabuting magkaibigan na lang kami."

Naging malaking balita ang pagkakaugnay nina Aljur at Louise noong 2014.

Kasalukuyan nilang ginagawa noon ang Kapuso primetime series na Kambal Sirena, na siya ring huling pagtatambal nila sa Kapuso network.

Kabi-break lang noon ni Aljur kay Kylie Padilla.

Si Louise naman ay may boyfriend noong panahong yun, ang dati ring Kapuso star at StarStruck alumnus na si Enzo Pineda.

Sa kasagsagan ng isyu kina Aljur at Louise, nakumpirmang nag-break na ang aktres at si Enzo.

Si Aljur ang itinurong dahilan ng breakup nina Louise at Enzo, ngunit hindi ito nakumpirma kailanman.

Sa mga nakaraang panayam nina Aljur at Louise, hindi nila direktang inamin kung may namagitan nga sa kanila.


Stories We Are Tracking

Louise and Enzo breakup caused by Aljur?
Louise and Enzo breakup caused by Aljur?
Enzo Pineda denies breakup with Louise is a gimmick
Enzo Pineda denies breakup with Louise is a gimmick
Aljur mum about alleged involvement in Louise-Enzo breakup
Aljur mum about alleged involvement in Louise-Enzo breakup
Enzo Pineda confirms split with Louise delos Reyes
Enzo Pineda confirms split with Louise delos Reyes

REUNITED. Ngayong magsasama silang muli ni Louise para sa isang proyekto, sinabi ni Aljur na walang ilangan sa pagitan nila.

Aniya, “Nagkita na kami sa presscon, sa presscon ng Ang Probinsyano.

"Tapos dito [sa Wansapanataym], nung nagkita kami, binati ko siya, binati niya ako.”

Ano ang pakiramdam na muli silang nagkatrabaho ni Louise pagkatapos ng halos tatlong taon?

Sagot ni Aljur, “Ang titiningnan ko na lang ay masaya ako para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ako para sa nangyayari sa mga career namin ngayon.

"Kasi nagkaroon kami ng trabaho at pagkakataon na magawa ang gusto namin at mabigyan ang tao ng entertainment.”

Ngayon ay pareho na ring masaya ang love life nina Aljur at Louise.

Si Aljur ay nakabalikan si Kylie Padilla at mayroon na silang isang anak.

Si Louise naman ay karelasyon ngayon ang Hale vocalist na si Champ Lui-Pio.

This Sunday na po! #Wansapanatym presents "Louie's Biton" this Sunday 8:15pm! ????????

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN