Aljur Abrenica admits Robin Padilla has not seen Baby Alas

IMAGE Noel Orsal

Hindi pa alam ni Aljur Abrenica kung kailan siya haharapin ng ama ni Kylie Padilla na si Robin Padilla. Ilang beses na raw silang gumawa ng paraan, ngunit hindi pa raw handa si Robin.


“Hindi pa.”

Ito ang tugon ni Aljur Abrenica sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakita na ba ng lolo ni Alas Joaquin na si Robin Padilla ang bagong silang na sanggol nila ng fiancée na si Kylie Padilla.

Ayon sa bagong Kapamilya star, ilang beses na nilang subukang puntahan si Robin sa tahanan nito upang makita ang apo nito sa kanila.

Pahayag ng 27-year-old actor, “Hindi ko rin alam, e.

"Kasi maraming beses namin siyang pinuntahan nun, e, ayaw niya, e, di ba?

“To the point na nagpunta pa kami sa bahay niya, hindi kami hinarap, e.

"So, sinabi ko na lang sa sarili ko na..."

Hindi itinuloy ni Aljur ang kanyang sasabihin.

Hihintayin na lang ba niya ang tamang panahon kung kailan magiging handa si Robin na harapin siya at makita ang apo nito?

Tugon ni Aljur, “Hindi ko alam sa kanya kung anong right time sa kanya, e.

"Siya na ang bahala dun. Desisyon na niya yun.

"Kasi, para sa akin, nagawa ko na. Prinisinta ko na yung sarili ko simula nung nagkabalikan kami ni Kylie."

Patuloy niya, “Alam naman ng lahat na buntis si Kylie. Pero nandito na yung bata sa akin.

"Ang sa akin, hindi sa gusto ko, para sa akin, kung gusto niya talaga makita, pumunta siya dito.

“Kundi man siya pumunta dito, imbitahan kami, kaming pamilya, e.

"Wala pa, e. Wala pa akong naririnig galing sa kanya."

Hindi kaya busy rin si Robin, lalo't wala pang isang taon ang baby nila ng misis niyang si Mariel Rodriguez?

Sabi ni Aljur, “Yun din ang iniisip ko, so respeto ko na lang din sa kanya yun.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Aljur sa tahanan nila ni Kylie sa may Tomas Morato, Quezon City, kahapon, September 29.

BAPTISM AND WEDDING. May plano na ba sila kung kailan pabibinyagan si Alas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Aljur, “Binyag? Pinag-uusapan pa namin.

"Kasi gusto ko papatagalin pa, e. Para may panahong makapaghanda.

"Sa first birthday niya sana ang gusto ko.

“Pero kinu-consider ko ang sinabi ng magulang namin, gusto nila medyo mapaaga.

"So, sa ngayon, dun pa lang kami, inaayos namin."

May mga ninong at ninang na rin daw silang naisip.

Naisantabi ba ang usaping kasal sa ngayon dahil sa baby?

Diretsong tugon ni Aljur, “Muna. Pero napag-uusapan namin ni Kylie 'yan these past few weeks.

“Ang sabi namin, sa ngayon kasi, kailangan munang i-prioritize yung bata. Yung panahon sa kanya.

“Kasi hindi mo pa puwedeng iwan, e.

"Kaming dalawa ay hindi pa puwedeng magtrabaho talaga, e, di ba, maging busy?"

Dagdag niya, “Eventually, kapag nakapag-adjust-adjust na kami.

"Ang dami pa kasing adjustments, e, halos every day.

“Kapag nalagpasan namin 'yan, saka na namin planuhin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN