Rocco Nacino excited about daring runway romp

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Rocco Nacino talks excitedly about his daring runway appearance at the forthcoming Bench 30th anniversary denim and underwear show on November 18: "I'm excited and nervous at the same time kaya todo prepare ako. It's more of convincing myself to do it. Kailan ko pa gagawin, di ba?"


Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Rocco Nacino sa pagrampa niya sa Denim & Underwear Show ng Bench sa November 18 dahil ito ang gabi na ipakikilala siya bilang isa sa mga celebrity endorsers ng Bench Body family.

Dati nang Bench endorser si Rocco, pero ngayon pa lang niya mararanasang rumampa na underwear lang ang suot sa nalalapit na 30th anniversary show ng Bench.

Bahagi ng reinvention sa sarili ang isa sa mga dahilan kaya nakumbinsi si Rocco na tanggapin ang alok na maging model ng Bench Body.

Lahad niya, “I have always been a part of Bench apparel and upon hitting 30, naisip ko, it’s time to reinvent myself, so pumayag na ako to be a part of Bench Body.

“I’m excited and nervous at the same time kaya todo prepare ako.

“Tumigil ako sa pag-inom at panay ang weight training, circuit training and jiu-jitsu ko para sa show sa November 18.

“It’s more of convincing myself to do it.

“Kailan ko pa gagawin, di ba?

“And so they say, life starts at 30.”

Inamin din ni Rocco na hindi niya inaasahang marami ang mae-excite sa gagawin niyang pagiging daring sa runway at sa mga sexy pictorials na naka-underwear lang

Dahil sa mga positive feedback, may dapat daw abangan ang mga naghihintay sa participation ni Rocco sa denim and underwear show ng Bench.

“I’m glad if people are looking forward to my runway walk and knowing me, I sometimes do something out of the blue, so let's see,” makahulugang pahayag ng lead actor ng Haplos ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN