Gerald Anderson on relationship with Bea Alonzo: "We're better than ever."

IMAGE Instagram (@_jess_forever21 and @bearald_rock)

Gerald Anderson has nothing but words of praise for rumored girlfriend Bea Alonzo, who was his date at the 25th Star Magic Ball, this Saturday night, September 30, at Makati Shangri-La.


Agaw-pansin ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa 25th Star Magic Ball, na ginanap sa Makati Shangri-La, ngayong Sabado ng gabi, September 30.

Tumingkad ang ganda ni Bea sa suot niyang white gown na gawa ni Monique Lhuillier, samantalang makisig na makisig naman si Gerald sa kanyang black suit.

Hindi rin maitago ng 28-year-old actor ang pagkabighani sa ka-date, lalo pa't kita ang kaseksihan ng 29-year-old actress sa kanyang backless gown.

“Beautiful, sobra. She did her best talaga to come out with the best look.

“Sulit yung mga sacrifices she had to do to get this beautiful look,” papuri ni Gerald kay Bea sa panayam ng reporters.


Stories We Are Tracking

IN PHOTOS: Couples and love teams at Star Magic Ball 2017
IN PHOTOS: Couples and love teams at Star Magic Ball 2017
Solo showstoppers at Star Magic Ball 2017
Solo showstoppers at Star Magic Ball 2017
Family affair at Star Magic Ball 2017
Family affair at Star Magic Ball 2017

Nang kumustahin naman ang estado ng relasyon nila, sagot ng aktor, “We're good. We're better than ever.”

Paano niya gagawing espesyal ang gabing ito para kay Bea?

“She knows how to treat herself right.

"It's really her night—their night, yung mga babae ng Star Magic...

“[I'm here] just to make sure the night fun and chill lang,” sabi ni Gerald.

Sa Star Magic Ball noong 2016 ay magkasabay ring dumating sina Bea at Gerald.

Unang nabalita ang pagkakamabutihan ng dalawa noong 2010, subalit naudlot ito pagkatapos ng maiksing relasyon.

September 2016 nang aminin ni Bea na muli silang nagdi-date ni Gerald.

Hindi pa man nila direktang kinukumpirma ang kanilang relasyon, hindi naman itinatago nina Bea at Gerald na may espesyal na namamagitan sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN