Marco Gumabao attends Star Magic Ball despite invitation issue

IMAGE Instagram photo of Marco Gumabao

Marco Gumabao still attended the Star Magic Ball despite his previous claim that his invitation was withdrawn.


Sa kabila ng isyu tungkol sa kanyang imbitasyon, dumalo pa rin si Marco Gumabao sa Star Magic Ball 2017, na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel, kagabi, September 30.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang 23-year-old actor ng larawan ng porma niya para sa taunang pagsasama-sama ng Kapamilya stars.

Dito ay nagpasalamat siya sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, na dating may hawak ng kanyang showbiz career.

Sabi pa niya sa caption: “I'll always look at you all as my family.”

Sa isang panayam ay sinabi ni Marco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na binawi ang imbitasyon sa kanya para sa Star Magic Ball.

Ito ay nangyari umano matapos siyang pumirma ng kontrata sa Viva Artist Agency.

“Ewan ko, the day after nung interviews at contract signing sa Viva Artists Agency, binawi yung invitation ko

“Sabi noon nung handler ko sa Star Magic, ‘O sige, kahit Viva ka na, invited ka pa rin.

“The next day, binawi. Baka may nabasa sila.”

Pumirma ng kontrata si Marco sa Viva Artist Agency noong September 4.

Naging talent ng Star Magic si Marco sa loob ng apat na taon


Stories We Are Tracking

Marco Gumabao says Star Magic withdrew his Ball invitation
Marco Gumabao says Star Magic withdrew his Ball invitation
Marco Gumabao leaves Star Magic after four years
Marco Gumabao leaves Star Magic after four years


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN