Aiko Melendez cries foul over butchered scenes in advocacy film; calls out director

IMAGE Noel Orsal

Aiko Melendez took to Facebook on Sunday night, October 1, 2017, to call out the director of the advocacy movie, The New Generation Heroes, which originally headlined her as one of its lead stars. However, much to her surprise and dismay, upon viewing the film during its premiere night last Friday, Aiko realized that most of her scenes had been "butchered," making it seem like she was merely playing a supporting role.


Naglabas ng hinanakit ang aktres na si Aiko Melendez laban kay Anthony Hernandez, ang direktor ng advocacy movie na The New Generation Heroes, na pagbibidahan dapat ni Aiko.

Halos wala raw kasing nasunod sa mga ipinangako sa kanya ng direktor tungkol sa kanyang karakter sa pelikula.

Ayon pa kay Aiko, noong inalok ito sa kanyang manager na si Boy Abunda, siya ang lumalabas na bida, ngunit noong napanood na raw niya ito, nagmistulang support na lamang daw siya sa producer, na kasama rin sa cast ng pelikula.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng Wildflower actress ngayong Linggo, October 1, bandang 7:30 ng gabi, ang kanyang sama ng loob.

Panimula ng aktres, “This is an open Letter to Anthony Hernandez (Director of the World ) Forgive me if i had to post this letter online, because, Asian Artist Agency owned by my Manager Tito Boy Abunda waited for your call, and so did my handler Philip Ababon Rojas, to hear your side about the outcome of the movie regarding my supposed lead role in the movie that never was.

“It turned out to be a supporting role which I don't mind at all because it's an advocacy film.

“As long as it was clearly understood and agree upon prior to the shoot of The New Generation Heroes movie...

“I made the same type of film last year with the same production for the world teachers day and encountered no problems at all.”

BUTCHERED. Nitong nakaraang Biyernes, September 29, ginanap ang premiere night The New Generation Heroes sa SM Megamall.

Excited pa nga si Aiko sa kanyang Facebook na nag-iimbita sa mga tagahanga na manood kasama siya.

Ngunit ang excitement na ito ay nauwi raw sa bangungot dahil hindi raw niya akalain na kinatay pala ang kanyang mga eksena.

Dagdag pa niya, “When the premiere night of the movie came, as I watched, I couldn't believe my eyes, a lot of my scenes were butchered... Pls. don't get me wrong, I don't mind playing supporting roles, lalo na if I was told and if I was asked.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi dumating din ako sa panahon when the likes of Mr. Christopher De Leon and Richard Gomez would play then, my leading men.

“When this was offered to me, our director said I was the lead of this movie and will be shot in Korea.

“Sadly, I wasn't happy how my role turned out.”

“WE FELT DECEIVED.” Ayon pa kay Aiko, ang ilan daw sa mga highlights ng kanyang eksena ay pinaikli, at umikot na raw ang pelikula sa karakter na ginampanan ni Joyce Penas, ang kanilang producer na co-actress din niya.

Kuwento pa niya, “We felt deceived. Even my performance highlights in the film were shortened and the entire movie was about Joyce, our producer.

“Ok lang naman na supporting role ako to her, pero sana it was made clear that I wasn't the lead at all.

“Because inaalagaan ko din naman ang mga pelikula na ginagawa ko.

“Kasi nga mataas ang expectations sa akin when I won an award abroad and here in our country, the pressure is doubled...

“Anyways, I wish the same success for this movie kasi sa ayaw at sa gusto ko, ako ang binebenta niyo for this movie to help Joyce.

“Ok lang, at least if Joyce would make it big, I'm part of her success.

“Ako pa ba? Ang dali ko lang pakiusapan, sana lang talaga you were true to your words and walang deceit na nangyari.

“Word of honor is very important to me because it is the recognition of my right to great respect as an actress and as a person.”



Samantala, humingi na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula kay Anthony Hernandez tungkol sa post na ito ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN