Ex-couple Heart Evangelista and Daniel Matsunaga happy to see each other at Star Magic Ball 2017

IMAGE Melo Balingit

Ex-couple Heart Evangelista (left photo, with husband Senator Chiz Escudero) and Daniel Matsunaga (right photo, with sister Vanessa Matsunaga) both graced the Star Magic Ball 2017 at Makati Shangri-La, Saturday night, September 30.


Isa sa naging sidelights sa ginanap na Star Magic Ball 2017 ang pagkikita ng dating magkasintahang sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga.

Kasamang dumalo ni Heart ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero.

Ang ka-date naman ni Daniel ay ang kanyang kapatid na si Vanessa Matsunaga.

Marami ang nakakita nang magbatian ang Kapuso actress at ang Brazilian-Japanese model-actor sa lobby ng Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La, noong Sabado, September 30.

Nag-high five pa nga ang dating magkasintahan na mistulang malapit na magkaibigan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Heart, sinabi niyang nagkakakumustahan sila ni Daniel paminsan-minsan.

Sabi ng 32-year-old actress tungkol sa pagkikita nila ni Daniel, “It’s nice to be like that, you know… Mabait naman yun eh.

“First time na nagkita? No. We message each other sometimes in Instagram.”

Samantala, ang pagdalo ni Heart sa Star Magic Ball ay isang paraan upang makitang muli ang mga taong naging bahagi ng mga unang taon niya sa showbiz.

Si Heart ay dating Star Magic talent at ngayon ay isa ng Kapuso star.

Saad niya, “It’s always nice to be come back to see people that, you know… old friends.

“I’m very excited to see Mr. M, Ms. Mariole…”

Ang tinutukoy ni Heart ay ang Star Magic heads na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto.

Dagdag ng My Korean Jagiya actress, “My God, lagi akong natatawag sa principal’s office dati!

“It’s nice to see them and to make kuwentuhan how life is now.

“Always, it’s like going back to your university, parang reunion.

“It’s nice to live your life, to do what you need to do, and from time to time, see each other.”


Stories We Are Tracking

Heart Evangelista and Daniel Matsunaga confirm breakup on Twitter
Heart Evangelista and Daniel Matsunaga confirm breakup on Twitter
<strong>FIRST READ ON PEP</strong> Heart Evangelista on breakup with Daniel Matsunaga:
FIRST READ ON PEP Heart Evangelista on breakup with Daniel Matsunaga: "There’s nothing permanent, there’s always change."
Heart Evangelista opens up about breakup with Daniel Matsunaga; says she and Sid Lucero are
Heart Evangelista opens up about breakup with Daniel Matsunaga; says she and Sid Lucero are "very close"
Daniel Matsunaga has
Daniel Matsunaga has "moved on" after breakup with Heart Evangelista: “Actually, it was kinda good that it happened to my life."

HAPPY FOR HEART. Sa panayam naman ng ABS-CBN News kay Daniel, sinabi niyang masaya siya para kay Heart at sa mister nitong si Chiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa 28-year-old Brapanese actor, “I met them many times na, and I’m very happy sa mga blessings na nangyari sa buhay ni Heart ngayon.

“I'm very happy for them. So many blessings for them… and for us.”

Dumalo rin sa Star Magic Ball noong Sabado ang isa pang ex-girlfriend ni Daniel, si Erich Gonzales.

Tiniyak ng Pinoy Big Brother: All In winner na magkaibigan din sila ni Erich, at babatiin niya ito kapag nagkita sila sa ball.

Sabi pa ni Daniel, “It's very nice to end the relationship being friends.

“Ako, wala talaga ako problema. Walang issue naman, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN