Bianca Gonzalez responds to netizen questioning her hosting skills

IMAGE Melo Balingit

ABS-CBN host Bianca Gonzalez replies to a netizen who criticized her for not correcting co-host Tim Yap's mistake during the red-carpet coverage of the Star Magic Ball. 


Sinagot ni Bianca Gonzalez ang isang netizen na pinuna ang kanyang kapasidad bilang host dahil sa isang insidente sa 25th Star Magic Ball.

Isa si Bianca sa mga nag-host ng red-carpet coverage ng Lifestyle TV ng annual ball, na ginanap sa Makati Shangri-La, nitong Sabado, September 30.

Kasama niya sina Tim Yap, Gretchen Ho, at Raymond Gutierrez. 

Sa isang Instagram post ni Bianca ay nag-comment ang netizen na may user name na @sw33tyjw11.

Tinanong nito ang 34-year-old Kapamilya host kung bakit hindi niya itinama ang pagkakamali ni Tim nang mapagkamalan nitong si Ylona Garcia si Devon Seron sa isang punto ng red-carpet coverage.

Banat pa ng netizen kay Bianca: “You should know better since host ka ng PBB.”

Sina Ylona at Devon ay parehong naging housemates ng Pinoy Big Brother, kung saan regular co-host si Bianca.


Sagot ni Bianca sa netizen, naging marespeto lang siya kay Tim at itinama niya ang pagkakamali nito off-cam.

Sabi niya: “Ang tawag dun, being discreet. Being respectful. Correcting others off cam, hindi sa harap ng mga tao.” 


Sa kabilang banda, may nakatutuwang tweet din si Bianca tungkol sa mensaheng nakuha niya mula sa isang netizen.

Sabi ni Bianca: "Naiinis siya kasi bakit daw puro Kapamilya ang ininterview namin sa Star Magic Ball kagabi."

Ang Star Magic Ball ay taunang pagtitipon ng mga artistang nasa pangangalaga ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

TIM'S MESSAGE. Puring-puri naman ni Tim si Bianca bilang host.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng 40-year-old host-eventologist na alam niya kung gaano kahusay si Bianca bilang host, ngunit mas napabilib daw siya nang makasama niya ito sa ball.

“I witnessed and experienced how super good she really is,” bahagi ng caption ni Tim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN