Pokwang, Kakai Bautista react to Xander Ford's major makeover

IMAGE Noel Orsal / Twitter

Look what celebrities like Pokwang (left) and Kakai Bautista (right) have to say about Xander Ford's (center) new and improved look. 


Ipinagtanggol ng ilang personalidad si Xander Ford—ang dating si Marlou Arizala—laban sa bashers.

Ito ay matapos ipakita ng Rated K, sa unang pagkakataon, ang resulta ng isinagawang cosmetic surgery kay Xander.

Ang programa ni Korina Sanchez sa ABS-CBN ang tumutok sa makeover ni Xander sa loob ng ilang linggo.

Pagkatapos makita sa TV ang bagong hitsura ni Xander, agad na naging trending topic sa social media ang online sensation


Stories We Are Tracking

Netizens abuzz over Xander Ford's major makeoever
Netizens abuzz over Xander Ford's major makeoever
Marlou Arizala gets nose job; changes name to Xander Ford
Marlou Arizala gets nose job; changes name to Xander Ford

Magkakahalo ang reaksiyon ng netizens tungkol sa pagbabagong-anyo ng dating Marlou Arizala.

May mga natuwa, may patuloy na kumukutya, mayroon ding dismayado at di pabor sa cosmetic surgery, at mayroon namang nalulungkot sa pagbibigay ng halaga ng mga tao sa panlabas na kaanyuan.

Ilang celebrities din ang nag-react dito, kabilang na ang comediennes na sina Pokwang at Kakai Bautista.

Pinuna ni Pokwang ang mga netizen na patuloy na nilalait si Xander.

Pahayag ng 47-year-old Kapamilya comedienne: “dati di pa pinapaayos ang mukha bina bash, ngayon nagpaayos na bina bash par in?

"Wag ganon may karma ang panglalait! Tao nga nman.” 

May paalala naman si Kakai kay Xander: "Sana mahal mo pa din ang dating ikaw. At higit sa lahat, patuloy ka pang maging masaya!"

Sinang-ayunan naman ng radio disc jockey na si DJ Chacha, o Czarina Balba sa totoong buhay, ang sinabi ni Pokwang.

Hindi raw siya magtataka kung pupunahin pa rin ng bashers ang mukha ni Xander kahit na nagpaayos na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN