Kylie Padilla takes blame for gap between dad Robin Padilla and fiancé Aljur Abrenica

IMAGE Noel Orsal

Kylie Padilla admits that she and Aljur Abrenica are not yet ready to get married: "Yung kasal, hindi pa sa ngayon talaga. At ayoko lang yung napilit kami para lang ma-please yung mga tao or, I'm sorry, para maging okay si Papa. Pero kaya kong tiisin yun. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi pa kami handa, hindi pa talaga."


Bagamat kasalukuyang nagpapahinga mula sa showbiz, nagpaunlak ng eksklusibong panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Kylie Padilla.

Ito ay matapos lumabas dito sa PEP.ph ang pahayag ng fiancé ni Kylie na si Aljur Abrenica na hindi pa rin nila pagkakaayos ng ama ng aktres na si Robin Padilla.

Sa hiwalay na panayam, inamin ni Aljur na hindi pa nakikita ni Robin ang apo nito kay Kylie dahil hindi pa sila hinaharap ng action star.

Naging negatibo ang dating sa maraming netizens ang mga sinabi ni Aljur, at binash nang husto ang Kapamilya actor.

Labis itong ikinalungkot ni Kylie.

Kaya nagdesisyon ang 24-year-old actress na humarap sa PEP.ph ngayong Lunes ng hapon, October 2, upang ibigay ang kanyang panig sa sitwasyon sa pagitan ng kanyang ama at ng ama ng kanyang anak.

ROBIN AND ALJUR. Una munang nilinaw ni Kylie ang hindi pa rin maayos na relasyon sa pagitan ni Aljur, 27, at ng ama ni Kylie na si Robin, 47.

Pahayag niya, “Ang tagal ko na kasing tahimik dun sa nangyari kay AJ and my dad.

“And sa totoo lang, hindi ako nagsasalita, kasi hindi ako kumportable.

"Personal na bagay ‘yan, e, sobrang personal na bagay.

“Tsaka buntis ako nun, and sabi ko sa sarili ko, kailangan kong ingatan yung bata.

“Ayokong ma-stress, as much as possible. Ano na lang, i-ignore ko na lang muna."

Unang inanunsiyo nina Kylie at Aljur na magkakaroon sila ng anak sa exclusive interview sa kanila ng PEP.ph noong January 207.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting

Isinilang ni Kylie ang anak nila ni Aljur, na pinangalanan nilang Alas Joaquin, noong August 4.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla and Aljur Abrenica welcome their baby boy
Kylie Padilla and Aljur Abrenica welcome their baby boy

Ayon kay Kylie, sa pagkakataong ito, hindi na siya maaaring magsawalang-kibo sa mga birada sa kanila ng netizens.

“Pero ngayon na nandiyan na si Alas, di ba, siyempre hindi naman ako… nababasa ko lahat ng sinasabi ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think, masyado nang matagal na tahimik ako.

"At saka hindi lang naman si Papa at si AJ yung nandito sa sitwasyon na ‘to, nandito rin ako, di ba?”

Kinumpirma ni Kylie ang sinabi ni Aljur sa panayam nito sa PEP.ph na hindi sila hinarap ni Robin nang minsang puntahan nila ito sa bahay.


Stories We Are Tracking

Aljur Abrenica admits Robin Padilla has not seen Baby Alas
Aljur Abrenica admits Robin Padilla has not seen Baby Alas

Saad ng Encantadia actress, “Yes. Well, pumunta kami sa bahay ni Papa, and totoong…

"Hindi ko alam kung wala siya sa bahay or baka ayaw lang niya talaga kaming harapin.

“But, bilang anak niya, naintindihan ko yun, kasi alam ko yung gusto ni Papa.

"Gusto niya ikasal muna kami, that’s all.

“And wala pa si Alas nun, and buntis pa ako nun... I think four months, five months."

Pag-amin ni Kylie, “Masakit sa akin, kasi siyempre gusto kong maging okay na sila.

"But, naintindihan ko rin, di ba, kailangan mong ibalanse lahat.

“Kaya kahit nasaktan ako nun, okay, yun yung gusto niya, rerespetuhin namin.

"Pero yun yung gusto niya, na makasal kaming dalawa."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph si Kylie sa bahay nila ni Aljur, sa may Quezon City, ngayong Lunes ng hapon, October 2.

ADMITTING THEIR FAULT. Inamin ni Kylie na may mga pagkakamali rin silang nagawa ni Aljur sa kagustuhan nilang ipaglaban ang kanilang relasyon.

Pahayag ng aktres, “Alam mo, sa dami naming pinagdaanan, mali din kami nun, e, mga bata pa kasi kami nun, e.

“Tsaka, nag-e-enjoy pa ako ilabas lahat ng nangyayari sa buhay ko. Ini-enjoy ko pa yung pag-aartista.

“Sa pag-aartista, love life mo, ilabas mo, it’s interesting, gusto ng mga tao ‘yan.

"Then, after nung nag-mature na ako, sabi ko, ‘Mali ata ako dun.’

“It wasn’t a responsible decision.

"Medyo masama pa nga yung loob ko, kasi walang nagsabi sa akin na, ‘Hinay-hinay lang. Keep it private.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, this is what we get.

"We were really open.

"Siyempre, feeling ng mga tao, they have the right to know what’s happening next.

“And we set that up, that’s our fault."

Sabi pa ni Kylie, "So, ang sa akin lang ngayon, kailangan sana, ayusin natin, di ba? And huwag na natin palakihin…

"Sa daming nangyayari sa mundo ngayon, yung sa atin, sobrang maliit na bagay, it's drama na pinalaki na hindi dapat. Na dapat kami-kami na lang nag-uusap.”

Sa kabila ng hindi maayos na relasyon sa pagitan nina Aljur at Robin, madalas naman daw siyang kinukumusta ng kanyang ama.

Kuwento ni Kylie, “Si Papa naman, hindi naman siya tumigil, e, sa kaka-reach out.

"Palagi naman niya ako kinakamusta kahit hindi pa lumalabas si Alas. 'Kamusta, anak? Nahirapan ka ba? Kumakain ka ba?' Ganyan.

“So, he was there. Nandun nga siya nung nagli-labor ako, e.

"It’s just that napaaga yung nagka-baby ako, hindi pa kami kasal.

"Medyo siyempre marami ang masama pa yung loob sa nangyari."

Iginiit ni Kylie na hindi lamang si Aljur ang may pagkakamali at dapat sisihin sa sitwasyong kinalalagyan nila ngayon.

“Sa totoo lang, kaming dalawa ang nagkakamali ni AJ nun.

"So, yun nga, hindi lang siya ang may kasalanan. Ako din.

"Gusto ko lang maintindihan ng tao, I wasn’t… Hindi ako kawawa here, hindi ako yung…

"Siguro nung time na yun, nai-enjoy ko pa yung victim pa ako.

"Pero I’m 24 na, hindi yun ang katotohanan.

“Ang katotohanan, hindi ko rin alam kung ano ang gusto ko nun.

"Mahal ko siya, mahal niya ako, pero hindi namin alam kung paano alagaan ang relasyon namin."

Dagdag niya, “Ngayon na may baby na kami, talagang malaking ano na, parang binuhusan ako ng malamig na tubig, na parang, ‘Ito yung reality, Kylie.’ Di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Pinili niyo yung isa’t isa, nakagawa kayo ng baby, ayusin niyo na ngayon.'

“So, lahat yun, inisip ko talaga, binalikan ko lahat.

"Mali ako, I really was very [hurt]."

THE WEDDING CAN WAIT. Bagamat gusto ni Robin na makasal muna sila bago nito harapin si Aljur, sinabi ni Kylie na hindi pa sila handang magpakasal.

Paliwanag niya, “Palagi kami nag-uusap, palagi kami nag-uusap.

"Kami ni AJ naman, we stand on the same place, we're on the same page.

“Hindi lang naintindihan ng tao yung pinanggalingan namin.

"Siyempre kasi, yun nga, after everything, di ba?

"We understand, siyempre gusto namin... gusto ni Papa, kasal muna kami.

"But it hurts na, you know, lumabas na si Alas na ganun pa rin."

Pagkatapos nito ay binanggit ni Kylie ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang na sina Robin at Liezl Sicangco.

Saad niya, “And yung kasal kasi, I came from a broken family.

"Okay, so I know the reality of marriage, hindi lang siya papel, hindi lang siya singsing na isinuot mo, na sinabi mo na kasal na kami.

“Sa totoo lang, kapag ikakasal na ako, ayoko may divorce, kaya sobrang nag-iingat ako.

“At alam kong kaming dalawa ni AJ, marami pa kaming kailangang ayusin.

"Hindi lang siya dream lang na, ‘O, ang saya-saya, nagpakasal sila.’

“Lilipas lahat 'yan, e."

Patuloy ni Kylie, "At naintindihan namin na may baby kami.

"Kahit may baby kami, may mga inaayos pa rin kami, di ba?

"So, yung kasal, hindi pa sa ngayon talaga.

"At ayoko lang yung napilit kami para lang ma-please yung mga tao or, I’m sorry, para maging okay si Papa.

"Pero kaya kong tiisin yun. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi pa kami handa, hindi pa talaga."

Alam din daw ni Kylie na naapektuhan ang kanyang career dahil sa maaga niyang pagbubuntis. Ngunit wala raw siyang pinagsisisihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga, ang dami pang nagsasabi na nasira yung career ko.

"Okay, siguro nga napaaga talaga, natanggal ako sa show [Encantadia].

"But, for my life, sobrang malaking pagbabago na sa akin na sobrang sarap na ngayon.

“Na ngayon, nakikita ko na kung ano ba talagang ipinaglaban ko, kung saan ako. Where I stand, what I’m working for.

"Dati kasi, nagtatrabaho lang ako para sa sarili ko, wala talagang purpose talaga.

"That’s why medyo rebelde ako nun, wala akong… sobrang love life lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN