Zsa Zsa Padilla admits feeling "ashamed" when she reconciled with Conrad Onglao

IMAGE Noel Orsal

Zsa Zsa Padilla on reconciliation with architect Conrad Ongalo: "Actually, nung nagkabalikan kami, I felt a lot of shame, I have to admit that. I was ashamed, kasi first time ko nga [makipagbalikan with an ex]. Kumbaga, parang… the people closest to me, lahat ng sinabi ko, kinain ko, parang ganun."


Halos isang taon na mula nang magkabalikan ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla at ang fiancé nitong arkitekto na si Conrad Onglao.

Naghiwalay ang dalawa noong April 2016, ngunit nagkabalikan din noong Oktubre ng taong ding iyon.

Nakatakda na rin sana silang ikasal sa Florence, Italy, noong katapusan ng 2016, ngunit hindi ito natuloy.


Stories We Are Tracking

Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao break up
Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao break up

Ngayon ay bukas nang magkuwento si Zsa Zsa tungkol sa balikan nila ng arkitektong fiancé.

Saad ng 53-year-old singer-actress, “I think we just gave it another shot.

"I was the one very hesitant because I've never done it ever in my whole life.

“I’ve never broken up with somebody and gone back to the person, so it was a first for me.

“And I had to… it was difficult for me, kasi kailangan kong mag-healing sessions.

"It was a lot also in past that I had to forgive, to come to terms with yung acceptance na ito yung gusto ko sa buhay ko, na I had to stick to my decision."


HEALING SESSIONS. Umabot nang anim na buwan ang "healing sessions" na pinagdaanan ni Zsa Zsa, at malaki raw ang naitulong nito sa kanya.

Aniya, “It took a while, it took almost a year.

"I guess, meron kasing traits ang mga babae na, feeling ko, hindi lang naman ako, kundi trait ng babae...

"I don’t know if you will agree with me, na tayo, ang hirap sa babae yung forgive and forget, e.

“No, bumabalik ako. I remember everything, and I just go back to the time whenever I needed a reference.

“Babaeng trait daw yun, binabalikan yung past. Ang hirap para sa amin to truly forgive and forget.

“Well, ako, napansin ko kung meron akong nakakausap, ganun din sila.

"So, kailangan talaga, pag sinabi mong napatawad mo, patawarin mo talaga.

“There are methods that I used. I am stricter from my rules din, e, for myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, na-realize ko na kapag ako ang gumawa ng rule, hindi ko ibi-break.

"Like, dapat wala na akong reference sa past.

"Ang tagal kong prinaktis yun, tapos parang nasanay na ako.

“Parang tapos na ‘yan, past na ‘yan, move on, move on, move on.

"For myself, I made some rules."

Mariin namang pinabulaanan ni Zsa Zsa ang balitang physically abused siya ng 62-year-old fiancé kaya sila naghiwalay noon.

Aniya, “No, that’s not true.

"And I will tell that to you with a straight face.

"Hirap naman nun, hindi mo naman babalikan yung isang taong ganun, di ba?

"Ibang klase naman yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) si Zsa Zsa sa grand presscon ng pelikulang Bes and the Beshies, na ginanap sa isang events place sa may Quezon City, nitong Lunes ng tanghali, October 2.

THE RECONCILIATION. Ibinahagi ni Zsa Zsa kung paano sila nagkabalikan ni Conrad.

Isang araw, aksidente raw silang nagkita matapos ng halos anim na buwan mula nang mag-break sila.

Lahad ng Divine Diva, “Actually, we accidentally met in a mall.

"Lumalayo ako, sabi ko, ‘Oh, my God, si Conrad! Walk away, walk away!'

"Tapos nakita niya ako, tapos hinaharang niya ako nang hinaharang.

“So, we sat down. We were talking.

"And then, we realized that we're talking for two hours.

"And then, we decided to [give it another shot]."

Noong una, nahihiya raw si Zsa Zsa dahil baka kung ano raw ang sabihin ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan.

“I don’t know the first thing [to do].

"Actually, nung nagkabalikan kami, I felt a lot of shame, I have to admit that.

“I was ashamed, kasi first time ko nga, e.

"Kumbaga, parang siyempre lahat ng… the people closest to me, lahat ng sinabi ko, kinain ko, parang ganun.

“Kasi, I was so sure na hindi na ako makikipagbalikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Whatever I felt was not fixable at that time, dun ako napahiya sa sarili ko.

"Na parang sinabi ko, puwede... you know, puwede palang mangyari yun, kasi nga hindi pa nangyayari sa akin, e.”

SURE THIS TIME. Pero sa pagkakataong ito raw ay sigurado na si Zsa Zsa sa kanyang nararamdaman para kay Conrad.

Aniya, “I still struggled.

"Honestly, I still struggled, that’s why I had to go through healing therapy."

Naniniwala ba siya sa kasabihang "Love is lovelier the second time around"?

Tugon ni Zsa Zsa, “I don’t know how to answer that question.

"I think… palagay ko, gumanda in such a way na natuto na akong… naintindihan ko na, na ibang tao ito.

“Kasi siyempre, sa isang relasyon na ako pa lang yung napagbibigyan palagi..."

Ang tinutukoy ni Zsa Zsa ay ang longtime relationship nila ng yumaong Comedy King na si Dolphy, na 35 taon ang tanda sa kanya.

Patuloy ng singer-actress, "Kasi nga Dolphy is much older. Kasi nga, sa edad niya, ayaw na niya ng arguments.

“Kaya palagi, ako na lang yung nagli-lead, ako yung nasusunod.

"So, I had to understand with the healing therapy that I underwent, naintindihan ko na ibang tao si Conrad. Hindi ko siya puwedeng i-compare.

“I had to learn to adjust especially this second time, dapat give and take talaga.”

Ano naman ang reaction ng kanyang mga anak sa pagbabalikan nila?

Sagot niya, “Ano naman sila, they respected my decision.”

Suot na ring muli ni Zsa Zsa ang engagement ring nila ni Conrad—isang three-carat emerald cut diamond ring.

Wala pa raw plano kung kailan nila itutuloy ang kanilang kasal.

BES AND THE BESHIES. Sa pelikulang Bes and the Beshies, ginagampanan ni Zsa Zsa ang papel ng isang martir na asawa, si Mabel, at best friend ng karakter ni Ai-Ai delas Alas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa cast sina Beauty Gonzalez, Carmi Martin, at Nikko Natividad.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa October 18.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN