Lovi Poe and Erich Gonzales both hurt after slapping scene in their movie

IMAGE PEP Source

Nagkasikitan sina Erich Gonzales (kaliwa) at Lovi Poe (kanan) sa isang eksena sa ginagawa nilang pelikulang The Significant Other. Nasugatan ang daliri ng Kapamilya actress na si Erich sa sampalan nila ng Kapuso actress na si Lovi.


Natigil sandali ang shooting ng pelikula nina Lovi Poe at Erich Gonzales dahil nauwi sa totohanan ang eksenang sampalan nilang dalawa.

Ang Kapuso actress na si Lovi at ang Kapamilya actress na si Erich ang mga bidang babae sa The Significant Other ng Cineko Productions. Leading man nila sa pelikula ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Ang direktor ng pelikula ay ang batikang si Joel Lamangan.

Kasama rin sa cast ang DZMM showbiz anchor at part-time actor na si Ahwel Paz.

Siya ang nagkuwento ng nangyari kina Lovi at Erich, sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ngayong Martes ng madaling-araw, October 3.

Ayon kay Ahwel, nagulat ang lahat sa set ng kanilang pelikula nang nauwi sa totohanan ang eksena ng dalawang aktres.

Nagtamo pa raw ng sugat sa daliri si Erich, 27, dahil sumabit ito sa hikaw ni Lovi, 28.


Fashion show ang kinunang eksena at nagpatalbugan ang mga karakter ng dalawang aktres.


Ayon pa kay Ahwel, pagkatapos ng eksena, kaagad naman daw humingi ng dispensa si Lovi kay Erich, at tumalikod.

Habang si Erich ay naiwan sa backstage na nanginginig at umiiyak dahil sa nangyari.

Ito ang kabuuan ng Instagram post ni Ahwel: “ERICH GONZALES nagtamo ng sugat sa sampalan nila ni Lovi Poe na naging totohanan. Nanginiginig sa takot si Erich dahil duguan ang kamay na nahiwa sa hikaw ni Lovi. Maga ang leeg ni Lovi. Nahinto ang shooting ng The Significant Other dahil sa mga sugat na natamo ng dalawa. Nag-sorry si Lovi at tumalikod. Naiwan si Erich sa backstage na umiiyak at nanginginig.”

Kalakip ng post na ito ang larawan kung saan makikita ang dugo sa suot na gown ni Erich.

Makikita naman sa kasunod na post ni Ahwel ang eksenang kinunan na sampalan, kung saan dinig na dinig ang malakas na sampal ni Lovi kay Erich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pakikipag-usap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ahwel, nilinaw nitong hindi promo sa kanilang pelikula ang pagpu-post niya sa Instagram.

Sabi niya, “True na true. Kasama ako sa cast.

"Nagulat kami lahat. Ang tindi ng sampal-gantihan.

“Hindi na-cut, pero may cut talaga daliri ni Erich.

“Tumulo talaga ang dugo sa gown niya. Nahiwa sa hikaw ni Lovi.

Ayon pa kay Ahwel, "Maga naman leeg ni Lovi."

Wala naman daw dahilan upang magkasakitan nang totohanan ang dalawang aktres.

Siguro raw ay nadala lang nang husto sina Lovi at Erich dahil sa tindi ng kanilang emosyon.

May isang PEP.ph source na nagpadala ng mga larawan na kuha sa nasabing eksena nina Lovi at Erich.

Wala pang statement ang dalawang aktres habang isinusulat ang artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN