New Viva artist Marco Gumabao explains attendance at Star Magic Ball 2017

IMAGE Melo Balingit

Marco Gumabao shows up at the Star Magic Ball 2017 despite announcing that his invitation was withdrawn after he transferred from Star Magic to Viva Artists Agency.


May paliwanag si Marco Gumabao tungkol sa pagdalo niya sa Star Magic Ball 2017, na ginanap sa Makati Shangri-La, noong Sabado, September 30.

Ito ay sa kabila ng claim niyang binawi ang kanyang imbitasyon sa ball nang umalis siya sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at lumipat sa Viva Artists Agency, ang talent management agency ng Viva Entertainment, Inc.

Lahad ni Marco, “Two days before Star Magic Ball, they invited me again.

“Pupunta talaga ako, pero sa room lang nina Daniel Padilla, hindi ako bababa sa mismong venue.

“Nung tinanong ako ng dating handler ko sa Star Magic kung pupunta ako, sinabi ko pupunta ako.

“So, tinanong niya si Mr. M [Johnny Manahan] kung puwede ako imbitahin. In-invite naman ako ni Mr. M.

“Nang magkita kami sa Star Magic Ball, okey naman, like, super okey ang lahat.”

Si Johnny Manahan ang chairman emeritus ng Star Magic.

Ayon pa sa 23-year-old former Star Magic artist, “Naintindihan ko naman nung bawiin sa akin ang invite.

“Hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Naintindihan ko sila.

“Bakit naman nila ako iimbitahin kung kakalipat ko lang?

"Pero mas naging happy ako, mas naging kampante, kasi okey yung relationsip namin even though I left Star Magic."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco kahapon, October 2, sa story conference ng Para Sa Broken Hearted, ang Tagalog novel ni Marcelo Santos III na isasalin ng Viva Films sa pelikula.

Isa si Marco sa lead stars ng Para Sa Broken Hearted, ang unang pelikulang pagbibidahan niya, kaya nagpapasalamat siya sa Viva Films sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Co-stars ni Marco sa pelikula sina Yassi Pressman, Sam Concepcion, Shy Carlos, at Louise delos Reyes.


Stories We Are Tracking

Marco Gumabao says Star Magic withdrew his Ball invitation
Marco Gumabao says Star Magic withdrew his Ball invitation
Marco Gumabao attends Star Magic Ball despite invite issue
Marco Gumabao attends Star Magic Ball despite invite issue


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN