Kim Domingo reacts to being called "Asia's Fantasy"

IMAGE Noel Orsal

Kim Domingo says she wants to get past her sexy image. "Gusto ko talaga drama, yung inaapi," she relates.


Ikinagulat ng Kapuso sexy actress na si Kim Domigo ang bansag sa kanyang "Asia's Fantasy."

Sabi niya, “Actually, nagulat ako noong una kong narinig, na iyon nga, Asia’s Fantasy raw ako.

“Kasi nanggaling 'yan siguro sa Thailand dahil naimbitahan ako sa isang event dun.

"So, ayun, medyo maraming tao na na-curious sa akin nung nagpunta ako dun, so kaya siguro iyon ang naging bansag nila."

Pressure daw kay Kim ang ganoong titulo.

“Oo! Medyo, medyo pressure din,” sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano ba ang dating sa kanya ng ganoong titulo?

Tugon ng 22-year-old actress, “E, kasi, ang image ko fantasy, parang ayan, pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan. 

"Di ba? So, ayun."

Kumportable ba siya sa bansag na iyon?

“Ako oo, kumportable naman ako.

"Kasi dito ako nagsimula at never ko naman siyang ikinahiya or parang, alam mo yun?

“Pero iyon nga, sabi ko nga, gusto ko nang makatawid dun sa pagiging aktres, kaya ngayon po medyo binabawasan na po yung pagpapaseksi ko.

“Tapos, dito po sa role ko, pati  po ang costume, medyo balot na rin po, hindi na po masyadong ladlad.”

Ang tinutukoy ni Kim ay ang Kapuso primetime series na Super Ma’am, kung saan gumaganap siya bilang si Mabelle Henerala/Avenir Segovia.

Ang naturang GMA fantaserye ay pinagbibidahan ni Marian Rivera na gumaganap naman bilang Minerva/Super Ma'am.

Ano ba ang genre na gustong “tawiran” ni Kim bilang aktres?

“Gusto ko talaga drama, yung inaapi,” sagot niya.

Kung si Kim ang “pantasya ng Asya,” sino naman ang kanyang pantasya?

Tugo niya, “International, e! Si Zayn Malik.”

Miyembro dati ng sikat na boy band na One Direction si Zayn, na ngayon ay solo artist na.

Paliwanag pa ni Kim, “Kasi mahilig ako sa medyo mala-bad boy ang hitsura, may mga tattoo, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko yung bad boy-looking na lalaki.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN