Kylie Padilla explains why she can't marry Aljur Abrenica yet despite her dad's wish

IMAGE Noel Orsal

Kylie Padilla on dad Robin Padilla's wish for her and Aljur Abrenica to get married: "I respect my father's decision, kasi on his side, he's right na kailangan naman talaga kasal muna bago magkaanak. But, the thing is, in my life, nauna yung baby. And ayoko nang magkamali, gusto ko na ayusin. And I believe na para ayusin ko, may mga kailangan muna akong itama sa sarili ko at sa relationship namin bago namin i-commit talaga yung kasal."


Higit pa sa mga masasakit na salita mula sa bashers, mas nasasaktan daw si Kylie Padilla sa pananahimik niya noong una tungkol sa alitan sa pagitan ng fiancé niyang si Aljur Abrenica at amang si Robin Padilla.

Saad ng 24-year-old actress, “Nasasaktan ako para sa kanilang dalawa, kay AJ at Papa.

"Kasi hinayaan kong sila yung magsalita, kasi I thought that was the right thing...

“I thought that was the right thing, di ba, na sila na lang mag-handle ng ano na ‘to, ng isyu na ‘to.

“But then, I’m here, nasaktan ako, kasi iniisip talaga ng tao na, ‘Wala siyang say, hindi siya nagsasalita kasi gusto niya…’

“Para bang I’m just a damsel in distress.

"And I can do the right thing by talking for both of them.

“Dun lang ako na, ako na, nobody's at fault.

"Yung mga nangyari, parehas kaming nagdesiyon, so ito na yung nangyayari ngayon."

Halu-halong emosyon ang nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Kylie nang eksklusibo namin siyang makausap sa kanilang tahanan ni Aljur, sa may Quezon City, kahapon, October 2.

Minsan nakatawa at minsan naman ay mangiyak-ngiyak siya, lalo na kapag nababanggit ang amang si Robin.

WAITING FOR THE RIGHT TIME. Aminado si Kylie na para siyang naiipit sa dalawang nag-uumpugang bato, dahil pareho niyang mahal ang ama at ang ama ng kanyang anak.

“I am very torn,” medyo naluluhang sabi ng aktres.

Pero hindi naman daw dumating sa puntong namili o nanimbang siya, dahil lagi raw ang anak na si Alas Joaquin ang pumapasok sa kanyang isipan.

Iginiit din ni Kylie na hinihintay pa nila ni Aljur ang tamang panahon upang magpakasal.

Saad ni Kylie, “Si Alas... yun naman talaga ang ano namin, destination namin, na magiging happy family talaga kami.

“Alam kong ikakasal kami, it’s just, right now, hindi pa yung right timing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And yun nga yung masakit, tinitimbang ko, e. Naisip ko kung ano yung nakakabuti kay Alas.

“And if gusto ni Papa na ikasal kami, at tingin niya na yun ang nakakabuti, maghintay muna tayong lahat ng right timing.

“Kasi ayoko talaga na on cloud nine kaming dalawa ni AJ, tapos sa huli, maghihiwalay din kami.”

Diretsahang tinanong ng PEP.ph si Kylie kung may sama ba siya ng loob sa ama.

Tugon ni Kylie, “Wala. Masakit lang na after ko manganak, di ba, di pa niya nakikita [ang bata].

"But I respect my father’s decision, kasi on his side, he’s right na kailangan naman talaga kasal muna bago magkaanak.

"But, the thing is, in my life, nauna yung baby.

“And ayoko nang magkamali, gusto ko na ayusin.

"And I believe na para ayusin ko, may mga kailangan muna akong itama sa sarili ko at sa relationship namin bago namin i-commit talaga yung kasal.

“Mag-aano pa ako, babalik pa ako sa showbiz, bagong ano naman yun, journey na naman yun.

"So, siguro, after everything is settled…"

Nilinaw rin ni Kylie na wala nang sama ng loob si Robin kay Aljur.

Aniya, “Actually, alam mo, sabi nga ng papa ko sa akin, wala na siyang problema kay AJ, e.

"Wala na siyang problema, masaya na siya na may trabaho si AJ.

"Yun lang talaga, yung ano niya, kasal muna, that’s it.

"Ganun lang kasimple."

Pero nananatiling positibo si Kylie na darating ang panahong magiging maayos din ang lahat.

“In time talaga… alam ko yun, mag-wait na lang tayo. Patience.”

WHAT SHE REGRETS. Hindi rin daw pinagsisisihan ni Kylie ang desisyon niyang tumira sa bahay ni Aljur noong nalaman nilang buntis siya sa kanilang unang supling.

Ang pinagsisisihan daw ng 24-year-old actress ay ang pagiging open niya sa publiko tungkol sa kanyang buhay, karera, at love life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Kylie, “Wala akong pinagsisisihan.

"Ang pinagsisisihan ko lang siguro ay masyado akong open.

“Masyado kong ginawang mode of entertainment para sa tao yung buhay ko, na hindi naman talaga dapat. It’s my life, e.

“So, ang masasabi ko, yung heartbreak ko, ilabas ko...

"I mean, lahat yun dapat, kailangang ayusin dito, e.

“Tapos, inisip ko yung iniisip ng ibang tao na kawawa ako... 'Kawawa nga ako.' Hindi, e. Kailangan kong mag-grow up, e.

“May mga lessons na hindi ko nakita, kasi sinakyan ko yung ako yung kawawa. Yun.”

Simula nang makumpirmang buntis si Kylie sa anak nila ni Aljur, naging tampulan na ng batikos ang aktor.

Na kesyo sinira raw nito ang gumagandang karera ng dating Encantadia star.

Ngunit para sa aktres, sana raw ay mag-move on na ang lahat.

Pero humingi pa rin siya ng paumanhin sa mga taong nag-aalala sa kanila.

Natatawang mensahe ni Kylie, “Thank you so much that you care… that you care sa nangyayari sa buhay namin, you know, sa buhay naming dalawa.

“And sana, mag focus na lang tayo sa positive, di ba? Past is past.

“Alam na natin ngayon na what happened was a result of two immature people.

"And gusto ko lang mag-sorry... Maraming nasaktan, di ba?

"Pero, let’s move on na, bagong chapter na ‘to.

“And yun, maging masaya na lang tayo na may maliit na bata na napaka-pogi, na nagpapasaya sa atin, di ba?

"And silang dalawa ni Papa and AJ, respetuhin na lang natin din.”


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN