Andi Eigenmann on quitting showbiz: "I left because I was not happy."

IMAGE Noel Orsal

Actress Andi Eigenmann reveals that she has quit showbiz because she was not happy. "Yes! It will never be the same. BUT I WOULDN'T TRADE THIS SIMPLE LIFE FOR ANYTHING ELSE BECAUSE I HAVE NEVER BEEN HAPPIER," she said in response to a netizen who accused her of being a snob.


Dahil sa pagsagot niya sa isang basher, nalaman ng publiko na nag-quit na pala sa showbiz ang aktres na si Andi Eigenmann.

Sa isang Instagram post ng 27-year-old actress ay nagkomento ang netizen na si @vieveyanong, kung saan tinawag niyang "snob" at "hindi sikat" si Andi.

Ayon sa netizen, masungit daw pala sa personal si Andi dahil tinaasan umano nito ng kilay ang kapatid ng netizen na nagpapa-picture sa aktres habang nasa airport.


Sinegundahan pa ito ng netizen na si @60journey, na nagkomento sa thread at sinabing okay lang tumanggi, huwag lang mang-isnab ng fan.

Mensahe pa niya kay Andi: “Kunti na lang fans mo ganyan ka pa. Even casual viewers like me, natuturn off sa ganyan attitude.

"Eat some humble pie. Be grateful na lang people still adore you kahit hindi ka na sikat.”


ANDI QUITS SHOWBIZ. Hindi pinalampas ni Andi ang mga pasaring na ito.

Sa kanyang komento, sinabi ng aktres na hindi siya nang-iisnab ng mga taong nakakakilala sa kanya.

Pero tumatanggi raw siya sa mga taong hindi maayos ang pakikitungo sa kanya.

Buwelta niya sa netizen: "How can you even say that if you have no idea who i even am?"

Dito na sinabi ni Andi na nag-quit na siya sa showbiz.

Pahayag ng anak ni Jaclyn Jose at ng yumaong si Mark Gil: "Second, if I wanted the life I had in the past, I wouldn't have left showbiz. So go figure.

“But me wanting to be a full time mom, and to live my life sooo far away from the spotlight (away from the city, even), doesnt also result to your accusations being anywhere true.”

Si Andi ay may five-year-old daughter sa dati niyang boyfriend na si Jake Ejercito.

Ang boyfriend niya ngayon ay ang modelong si Emilio Arambulo.

Sabi pa ni Andi: "fyi, FAME IS NOT THE SOLUTION.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it pains me to [see] that there are people like you who think that this is something I should even be be sad about.

"I left because I was not happy."

Pero hindi raw niya ipagpapalit ang simpleng pamumuhay niya ngayon sa anumang bagay dahil masaya siya.

"And yes! It will never be the same.

"BUT I WOULDNT TRADE THIS SIMPLE LIFE FOR ANYTHING ELSE BECAUSE I HAVE NEVER BEEN HAPPIER.

“SO DONT ASSUME. SO DONT SPEAK IN BEHALF OF OTHERS. BECAUSE YOU DO NOT KNOW OUR STORY.”


Buwelta pa niya sa basher: “the point here is that you have no right to insist that I was the one who was rude when you weren’t even there. Nakikisali ka lang naman eh.

“HOW DO YOU EVEN KNOW THAT I DONT HAVE THE AUDACITY TO SMILE AT PEOPLE WHO ACKNOWLEDGE ME? YOU WOULDN’T. CUS YOU HAVE NO IDEA WHO I AM. Nakikisali ka lang.”

Bago ang pag-anunsiyo ni Andi na nag-quit na siya sa showbiz ay naging laman siya ng balita dahil sa word war nila ni Jake Ejercito sa custody battle para sa kanilang anak.

Naging malaking isyu rin ang away-bati nilang relasyon ng kanyang inang si Jaclyn Jose.

Sa gitna ng mga isyung ito ay madalas ding batikusin ng netizens ang aktres sa social media, at madalas din niya itong pinapatulan.

Ngayon ay maayos na sa pagitan nina Andi at Jake, at maging ang relasyon ng aktres sa kanyang ina.

Ang huling film project ni Andi ay ang Camp Sawi noong 2016.

Ang huli naman niyang teleserye ay ang The Greatest Love sa ABS-CBN.


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann: I'm still a good person despite my mistakes.
Andi Eigenmann: I'm still a good person despite my mistakes.
Jake Ejercito, Andi Eigenmann settle custody petition
Jake Ejercito, Andi Eigenmann settle custody petition
Andi on Jake and family:
Andi on Jake and family: "Basura lang tingin nila sa akin."
Andi launches Twitter tirade against Jake and his family
Andi launches Twitter tirade against Jake and his family


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN