Is there a brewing romance between Miho Nishida and Young JV?

IMAGE Instagram photo of Miho Nishida

Following their sweet posts about each other, fans ask: "Are Miho Nishida and Young JV already an item?"


Nagkakamabutihan na ba ang Kapamilya stars na sina Miho Nishida at Young JV?

Nagyong Martes, October 3, pinakilig ni Miho ang kanyang Twitter followers nang mag-post siya ng larawan niya kasama ang La Luna Sangre co-star na si Young JV.

Sa larawan ay may nakalagay pang “love you love you.”


Kilig din ang hatid sa fans nang magkasama silang dumating sa Star Magic Ball 2017, sa Makati Shangri-La Hotel, noong Sabado, September 30.


My second SMB????. . . #starmagicball2017

A post shared by Miho Nishida / ?? ?? (@real.miho_nishida) on

Ilang linggo bago ang malaking pagtitipon na ito ng Kapamilya stars, isang sorpresa ang inihanda ni Young VJ para hilinging maka-date ang Pinoy Big Brother: 737 big winner.


Dahil sa sweet photos nilang dalawa, ilang fans tuloy ang nagtatanong kung ano na ang estado ng kanilang relasyon.

Sa nakaraang panayam ng Star Cinema kay Miho, sinabi nito, “Magkaibigan lang kami, getting to know each other.”

Hindi pa raw niya naiisip ang muling makipagrelasyon.

Sabi ng 24-year-old single mom, “Hindi ko pa iniisip yung ganyan. Friend-friend muna tayo.”

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Young JV sa hiwalay na panayam.

Tiyempo raw na heartbroken silang dalawa nang makilala niya si Miho.

Sabi pa ng 27-year-old Kapamilya star, “We were in a similar place. So we’re hangin’ out, we’re very close.

“For some reason, magka-swak yung mga personalities po namin.

“Magkasama kami sa La Luna, so that’s why it feels like we’re close together.”

Nitong April 2017 lamang nang makipag-break si Miho kay Tommy Esguerra, na nakilala niya sa loob ng Bahay ni Kuya.


Stories We Are Tracking

Miho Nishida speaks up about breakup with Tommy Esguerra
Miho Nishida speaks up about breakup with Tommy Esguerra
Tommy Esguerra airs side on breakup with Miho Nishida
Tommy Esguerra airs side on breakup with Miho Nishida


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN