Claudine Barretto bonds with niece Julia Barretto at 2017 Star Magic Ball

IMAGE Melo Balingit

Julia Barretto (left) and her aunt Claudine Barretto wore contrasting colors at the Star Magic Ball last Saturday, September 30.


Parehong dumalo sa Star Magic Ball 2017 ang mag-tita na sina Claudine Barretto, 38, at Julia Barretto, 20.

Si Julia ay panganay na anak ng kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto sa dati nitong asawang si Dennis Padilla.

Ayon kina Claudine at Julia, bago pa ganapin ang annual event na ito ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, ay nakapag-bonding na sila.

Ngunit dagdag ni Claudine, “Hindi natapos yung bonding namin kagabi, so itutuloy namin ngayon."

Kuwento pa niya, “Nung ramampa pa siya sa ASAP, sa Magic dati, baby pa siya.

"So, ngayon, talagang woman na siya, lady na siya, so I’m so excited."

Ayon naman kay Julia, “Actually, I was with her last night.

“Bago kami nag-hair and makeup, I was with her. My mom and I were in her room.

“We spent time with her, so I’m actually very excited."

Sabi pa ng young actress tungkol sa kanyang tita, “Nagbabalik ang Optimum Star, Claudine Barretto. Tonight.

“She looks very, very beautiful, you guys have to watch out.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN