Phytos Ramirez ready to show more skin; plans to change image

IMAGE Courtesy: @iamphytosramirez on Instagram

Kuntento raw si Phytos Ramirez sa takbo ng kanyang karera sa GMA Network. May plano raw kasi ang management para sa kanya, kabilang na ang pagbabago ng kanyang image. 


May mga pasabog daw si Phytos Ramirez para sa kanyang fans sa mga mga susunod na buwan.

Isa na rito ang pagpu-pose niya nang topless sa isang magazine.

Pahayag ng 22-year-old Kapuso actor, “Sinimulan namin sa Cosmo, e.

"So, medyo nanibago ako, kasi medyo sa pictorial, nagpakita ako ng katawan.

"First time ko gawin for Cosmo.

“Tapos, ngayon sa G.R.I.N.D. ng GMA, may makikita silang eksenang basta mae-excite sila.

"Mae-excite yung mga manonood."

Ang G.R.I.N.D. (Get Ready It's a New Day) ay ang weekly late-night series na napapanood sa GMA Network.

Handa na ba siyang magpakita ng katawan, na naka-brief o naka-boxers lamang?

Tugon ng Filipino-Greek actor, “Oo naman. Oo, okay lang sa akin.”

Ibang saya ang nabibigay sakin ng coffee ????

A post shared by PHYTOS RAMIREZ (@iamphytosramirez) on

Hindi ba siya nahihiya?

Ayon kay Phytos, “Part na siya sa showbiz.

"I mean, aktor ako, so parang kasama na siya, parang art siya, e.

"So, ano naman... ako naman, okay lang na magpakita ng katawan."

Paano niya pinaghandaan ang pictorial para sa Cosmopolitan Magazine at sa pinaplano niyang pagli-level up sa kanyang karera?

“Araw-araw, training. Tumatakbo ako sa U.P. [University of the Philippines] every day.

"Tapos yung diet ko, puro gulay lang.

“Pero hindi ko pa talaga masasabing perfect talaga for Cosmo.

"Pero compared sa pinaggalingan ko, dun sa mga nakakilala sa akin dati na sobrang taba ko, di ba, na binigyan ako ng fat memo ng GMA dahil ang laki-laki ko.

"So, malaking achievement yun para sa akin."


Stories We Are Tracking

Phytos Ramirez overcomes
Phytos Ramirez overcomes "fat memo" with the help of his dad

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phytos sa event ng Converse na #conversexNBA, sa 12 Monkeys, Ortigas Center, Mandaluyong City, noong Huwebes, September 28.

@iamphytosramirez says he’s a big NBA fan. His favorite team? Cleveland Cavaliers. #ConversexNBA

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

SLOWLY BUT SURELY. Pagdating naman sa kanyang karera, kuntento raw si Phytos sa kanyang trabaho ngayon sa GMA Network.

May mga plano raw kasi ang management para sa kanya.

Sabi ng dating child star, “So far, sa nangyayari sa career ko ngayon, happy ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinaka-big step sa akin ngayon itong Cosmo.

"Nilatagan na ako ng plano na, 'After Cosmo, ito na yung gagawin, mag-iiba na ang image mo.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN