Former ABS-CBN star Jason Abalos transfers to GMA Network

IMAGE Twitter photo of GMA News

Jason Abalos signs exclusive contract with GMA Network today, October 3. Joining him at the contract signing are GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable (left) and GMA Artist Center President Gigi Santiago-Lara (right).


Isa nang Kapuso artist si Jason Abalos matapos itong pumirma ng exclusive contract sa GMA Network ngayong Martes, October 3.

Bilang pag-anunsiyo ng kanyang paglipat, nag-post ang dating ABS-CBN talent ng larawan ng haparan ng building ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.

??????

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos) on

Sa Twitter post ng GMA News, makikitang kasama ni Jason sa kanyang contract signing sina GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable at Senior AVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara.

Sa isa pang larawan, kasama naman nila si GMAAC AVP for Imaging and Branding Simoun Ferrer.

Nagsimula sa showbiz ang 32-year-old na ngayong si Jason sa pamamagitan ng pagsali sa second season ng artista search ng ABS-CBN, ang Star Circe Quest, noong 2004.

Si Erich Gonzales ang itinanghal na Grand Questor sa kanilang batch.

Ilan sa mga teleseryeng kinabilangan niya noong nasa Kapamilya network pa siya ay: Eva Fonda (2008), Agua Bendita (2010), Agimat: Ang mga Alamat ni Ramon Revilla: Bianong Bulag (2010), Reputasyon (2011), Precious Hearts Romances: Lumayo Ka Man sa Akin (2012), Two Wives (2015), at ang pinakahuli ay ang Langit Lupa (2016).

Pagdating sa pelikula, nakilala ang husay ni Jason sa mga pelikulang Endo (2007), Adela (2008), Thelma (2011), at Kabisera (2016).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN