Louise delos Reyes not surprised by Aljur Abrenica's revelation of their short-lived romance

IMAGE Noel Orsal

Louise delos Reyes on past relationship with Aljur Abrenica: "Ako yung tipo ng tao na hindi nagdu-dwell sa past. Tapos na po yun. It happened two or three years ago."


Hindi nabigla si Louise delos Reyes nang makarating sa kanya ang balitang inamin ni Aljur Abrenica sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon sila ng relasyon.

Ayon kay Aljur, ito ay noong ginagawa nila ang primetime series na Kambal Sirena (2014) sa GMA Network.

Ayon pa kay Aljur, tumagal lamang ng “isang buwan” ang relasyon nila ni Louise.

Hindi raw nagtagal ang relasyon nila dahil, “Magulo kasi nung time na yun, e.

"We just realized na mas mabuting magkaibigan na lang kami."


Stories We Are Tracking

Aljur finally admits short-lived romance with Louise
Aljur finally admits short-lived romance with Louise

Sa exclusive interview ng PEP.ph kay Louise sa story conference ng unang movie project niya sa Viva Films, ang Para sa Broken Hearted, noong October 2, composed na composed na sinagot ng aktres ang rebelasyon ni Aljur.

Pahayag ng 25-year-old actress, “Hindi ako nagulat.

“Siguro respetuhin na lang natin ang mga sinabi niya, at ayoko nang dagdagan pa.

“Ako yung tipo ng tao na hindi nagdu-dwell sa past.

“Tapos na po yun. It happened two or three years ago.”

Patuloy ni Louise, “Ngayon, may kanya-kanya na kaming buhay, may sarili na siyang binubuo na pamilya.

“And ako, I’m just focusing on my career right now.

“Kaya yung mga ganyang klase ng isyu, hayaan na po natin.”

Si Aljur ay may anak na sa kanyang fiancée na si Kylie Padilla.

Si Louise naman ay karelasyon ang bokalista ng bandang Hale na si Champ Lui-Pio.

Pagkatapos nilang umalis sa bakuran ng GMA Network, pareho na ngayong nasa ABS-CBN sina Louise at Aljur.

Nagkasama sila ulit sa primetime series na FPJ's Ang Probinsyano at sa weekly fantasy series na Wansapanataym.


Stories We Are Tracking

Louise and Enzo breakup caused by Aljur?
Louise and Enzo breakup caused by Aljur?
Enzo Pineda denies breakup with Louise is a gimmick
Enzo Pineda denies breakup with Louise is a gimmick
Aljur mum about alleged involvement in Louise-Enzo breakup
Aljur mum about alleged involvement in Louise-Enzo breakup
Enzo Pineda confirms split with Louise delos Reyes
Enzo Pineda confirms split with Louise delos Reyes

NEW MOVIE. Nakatuon daw ngayon ang atensiyon ni Louise sa mga magagandang nangyayari sa acting career niya.

Malapit na raw umpisahan ang shooting ng Para sa Broken Hearted, ang pelikula na pagbibidahan nila nina Shy Carlos, Sam Concepcion, Marco Gumabao, at Yassi Pressman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Super excited dahil makakatrabaho ko uli yung ibang mga ibang nakatrabaho ko before—sina Yassi, Sam Concepcion…

“Nalaman ko lang na kasama ako sa movie last Friday lang.

“Excited din ako kasi it’s a different character.

“Parang based sa story conference, hindi siya yung usual na broken-hearted film. Ang daming dynamics ng story.

“May mga lugar na nabanggit sa story conference na parang nangyari sa akin sa tunay na buhay.

“Like, I went to Cebu last Sinulog Festival, ako lang mag-isa for one week.”

Sabi pa ng bagong Kapamilya actress, “Nakakatuwa rin dahil parang yung side ng pagiging artist ko, napu-fulfill siya ng Viva, lahat ng nararamdaman ko.   

“Ngayon, nakukuha ko yung full spectrum, na may pelikula, na nakakagawa ako ng ibang mga karakter, tulad sa Ang Probinsyano, Wansapanataym…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN