Zsa Zsa Padilla prefers a simple wedding with fiancé Conrad Onglao

IMAGE Noel Orsal

Ngayong nagkabalikan na sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, nais malaman ng mga netizen na nakasubaybay sa kanilang love story kung kailan sila magpapakasal. Ngunit ayon sa Divine Diva, hindi pa nila napag-uusapan kung kailan ito mangyayari. 


Ngayong masaya na ulit ang love life ni Zsa Zsa Padilla, matapos makipagbalikan sa arkitektong si Onglao, kasunod na tanong ng mga tao ay kung kailan sila magpapakasal.

Pero ayon sa Divine Diva, hindi pa nila napag-uusapan ng fiancé ang petsa, kaya wala pa siyang maibigay na impormasyon tungkol dito.

Pero isa lang daw ang natitiyak ni Zsa Zsa: magiging simple ang kanilang kasal sakaling matuloy ito.

Hindi katulad ng naunang sinabi ni Conrad na gusto niyang ikasal sila ni Zsa Zsa sa Florence, Italy.

Ayon sa 53-year-old singer-actress, “Wedding? I really want to… palagi kong sinasabi na magtatanan lang kami.

“Hindi pa naman... Siya ang may gusto nun [na sa Italy], pero talagang hindi ko naman in-approve yun, siya ang may gusto.

“Ayoko talagang mabongga, gusto ko talaga, parang judge lang, tapos na.”

Dagdag pa ni Zsa Zsa, “Personally, parang, 'Conrad, hindi na bagay sa atin [ang engrandeng kasalan], parang solemn na lang.'

“Ang importante ay mangyayari na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Zsa Zsa sa presscon ng pelikulang Bes and the Beshies, nitong nakaraang Lunes, October 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN