Senator Sonny Angara draws flak for "Chocolate" tweet about Senator Nancy Binay

IMAGE Mark Pimentel / Facebook

Lumikha ng ingay sa social media ang tweet ni Senator Sonny Angara na "Mocha vs Chocolate na ba, Senator Nancy Binay?" kaugnay ng isinasagawang pagdinig ng Senado tungkol sa fake news.


Nag-react ang ilang netizens sa pagtukoy ni Senator Sonny Angara kay Senator Nancy Binay bilang "Chocolate" sa isa niyang tweet ngayong araw, October 4.

Tweet ni Angara: “Mocha vs Chocolate na ba?”

Naka-tag sa mensahe niyang ito si Senator Binay.

Kalakip nito ang tweet mula sa DZMM TeleRadyo kaugnay ng isinasagawang pagdinig ng Senate committee on public information and mass media tungkol sa paglaganap ng fake news.

Isa si Binay sa mga senador na nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa fake news.

Si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson naman ang isa sa resource persons sa pagdinig na ito.

Sa kalagitnaan ng pagdinig, kinuwestiyon ni Senator Binay ang pagpapatuloy pa rin ni Mocha sa kanyang Facebook blog, kung saan tinitira nito ang mga kumakalaban sa administrasyong Duterte, gayong isa na siyang opisyal ng gobyerno.

Sabi ni Senator Binay kay Mocha: "Since we're all government officials, she cannot use the excuse of doing things in her capacity as a private individual. 

"At this point, hindi mo puwedeng ihiwalay yung pagiging blogger mo sa pagiging ASec mo.

"Baka it's time for you to decide kung gusto mong maging ASec or kung gusto mong maging blogger."

ANGARA'S TWEET. Tila nabahala ang ilang followers ni Senator Angara sa pagtawag niya ng "Chocolate" kay Senator Binay.

Ang "Chocolate" ay maaaring tumukoy sa flavor ng ice cream o cake, bilang pantapat sa pangalan ni Mocha.

Ngunit malinaw na ang paggamit ni Senator Angara ng "Chocolate" kay Senator Binay ay may kinalaman sa kulay ng balat ng huli.

Narito ang ilang komento ng netizens tungkol sa tweet ni Senator Angara:

Agad namang nilinaw ni Senator Angara, 45, na magkaibigan sila ni Senator Binay, 44, at nagbibiruan lamang sila.

Sabi ni Angara sa kanyang tweet: "The senator and I are friends. We joke and we don't take ourselves too seriously."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN