Miles Ocampo reacts to former "leading man" Xander Ford's makeover

IMAGE Noel Orsal

Last year, Miles Ocampo was paired with Marlou Arizala, now known as Xander Ford, in a couple of episodes of Home Sweetie Home. Is she ready to be paired with him again?


Nakatanggap ng maraming text messages ang Kapamilya young actress na si Miles Ocampo matapos lumabas ang resulta ng makeover sa online sensation na si Marlou Arizala, na kilala na ngayon bilang Xander Ford.

Bago siya naging Xander Ford, itinambal si Marlou kay Miles sa weekly sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home, na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Ang karakter doon ni Marlou ay may gusto sa karakter ni Miles bilang si Gigi.


Kuwento ni Miles, “Nakakatawa yun, kasi ang daming nag-text sa akin kagabi, na gumagawa po kasi ako ng homework ko po.

“Sabi ko, ‘Bakit ang daming nagti-text sa akin?’

"Yun pala, may lumabas sa TV Patrol.

"Tapos ikinuwento po nila sa akin kung ano ang sinabi ni Xander Ford."

Ano naman ang masasabi ni Miles sa bagong hitsura ni Xander?

“Okay naman po. As long as confident naman po siya sa sarili niya ngayon, e, di go po,” sagot ng 20-year-old actress.

Kumusta ang samahan nila nang magkatrabaho sila sa sitcom?

Paglilinaw ni Miles, “Ang akala po kasi ng tao, nag-regular siya sa Home Sweetie… tapos nagkaroon ng farewell episode.

“Parang nag-guest lang po talaga siya, two episodes lang.

"Kaya hindi naman po kami masyado nakapag-usap. Sa eksena lang po talaga."


Sa kanyang latest TV interview, nagpahayag si Xander ng kagustuhang pumasok muli sa showbiz. 


Stories We Are Tracking

Marlou Arizala gets nose job; changes name to Xander Ford
Marlou Arizala gets nose job; changes name to Xander Ford
Netizens abuzz over Xander Ford's major makeoever
Netizens abuzz over Xander Ford's major makeoever

Ano ang masasabi ni Miles sa posibilidad ng muling pagpapareha sa kanilang dalawa?

Tugon niya, “Actually, nag-taping kami sa Home Sweetie Home kanina, wala naman po silang nabanggit.

“Pero tingnan po natin kung saan papunta. Hindi ko po talaga alam.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miles sa premiere ng horror film na The Debutantes, Martes ng gabi, October 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang The Debutantes ay mula sa Regal Entertainment, Inc., at pinagbibidahan nina Miles Ocampo, Sue Ramirez, Michelle Vito, Jane de Leon, at Chanel Morales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN