Cris Villanueva proud of daughter's runner-up finish at Miss World-Philippines 2017

IMAGE Cris Villanueva Instagram / Zara Carbonell Instagram

Cris Villanueva (left) says there's a reason his daughter Zara Carbonell (right) did not win a major title in Miss World Philippines 2017. "Siya yung talagang umiikot for Miss World na parang may imbitasyon pa sa abroad, e, to do some talks. Kasi nakita yung kanyang advocacy na talagang maganda. Kaya pala!"


Lingid sa kaalaman ng marami, anak ni Cris Villanueva ang 2nd Princess sa Miss World-Philippines 2017 na si Zara Carbonell.

Ang kinoronahang Miss World-Philippines 2017 ay si Laura Lehman.

Miss Reina Hispanoamericana Filipinas naman ang aktres na si Winwyn Marquez; Miss Eco Philippines si Cynthia Thomalla; at Miss Multinational Philippines si Sophia Senoron.

First Princess si Glyssa Leian Perez.


Stories We Are Tracking

Laura Lehmann is Miss World Philippines 2017
Laura Lehmann is Miss World Philippines 2017

Na-disappoint ba si Cris sa hindi pagwawagi ni Zara ng anumang titulo sa Miss World-Philippines?

Pag-amin ng 46-year-old actor, “Nung una, oo. Medyo...

"Siyempre, pag anak mo, ang gusto mo yung pinakamataas, e, di ba?

“Nung una, oo, parang, hinihimas ko na nga yung asawa ko sa likod, ‘Okay lang ‘yan, panalo pa rin naman!’

“Pero siyempre, deep inside, parang, ‘Bakit runner-up lang?’

“Although nung lumalabas na yung mga ginagawa niya sa advocacy niya, nakita namin.

“‘Ah, kaya pala! Kaya pala inilagay ka ng Diyos diyan kasi…’

“Siya pa nga raw ang mas busy, e.”

TO TRY AGAIN? May plano ba ang 24-anyos niyang anak na sumali sa Binibining Pilipinas o sa susunod na Miss World-Philippines?

Tugon ni Cris, “May nag-aalok sa kanya, hindi ko lang alam kung ano’ng gagawin niya sa alok sa kanya.

“Pinag-iisipan pa niya… talagang enjoy siya sa posisyon niya ngayon na runner-up, sobrang busy!

“Siya yung talagang umiikot for Miss World na parang may imbitasyon pa sa abroad, e, to do some talks.

“Kasi nakita yung kanyang advocacy na talagang maganda.”

Self-awareness ang advocacy ni Zara, o kung paano dapat pahalagahan ng mga kababaihan ang kanilang sarili at itaas ang kanilang morale, self-esteem, at confidence.

Gagayahin ba ni Zara si Pia Wurtzbach na tatlong beses sumubok bago naging Miss Universe noong 2015?

“Hindi nalalayo sa ideya niya yun, pero tingin ko, nagdadalawang-isip siya, parang gusto niyang mag-career, e.”

Ayaw raw ni Zara na mag-artista.

“Hindi niya type, parang gusto niya talaga is to be a reporter or an anchorwoman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag tinatanong ko siya, parang 70/30 percent; thirty percent lang na mag-aartista siya.

“Kasi wala raw siyang mapaghugutan ng sama ng loob!” at tumawa si Cris.

Dagdag pa ng dating matinee idol, “Iyon yung sabi niya sa amin noon.”

"Your parents raised you well." - still the best compliment I've gotten to date. Tomorrow will be one of the bigger nights of my life but it was the "smaller nights" that brought me here and I wouldn't be anywhere close to it without my two best buddies. It were the nights you chose to stay awake praying for His grace, the early mornings you battled your supposed sleep to take me to where I needed to be. It was the unwavering faith you've always had that kept me moving forward when doubt started to present itself. Thank you for always coloring my visions with me, and teaching me to see risks as opportunities to grow not possible failures. The years we spent moving towards this goal taught me that in pursuit of one's goals, we don't find time - we MAKE TIME. But of all my goals and dreams, the most important one is to be the best daughter the world has ever seen. Thank you for my values, and ambitions, and my love for the world. I'm often asked where I get my infinite supply of sunshine, but with folks like you, I can build my own constellation. I love you to the sun and back. ?? #GetZeeCrown #ZeeOneAndOnly #MWP2017

A post shared by Zara Carbonell (@zaracarbonell) on

MAGPAKAILANMAN. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cris sa taping ng "Ang Pagmamahal Ng Isang Amang Beki: The Jeremy Sabido Story," isang episode ng GMA-7 drama anthology na Magpakailanman.

Ginanap ang taping sa isang bahay sa Bagong Pag-Asa, Quezon City, nitong Biyernes, September 30.

Isang bading na naman ang gagampanan ni Cris sa naturang Magpakailanman episode.

Artistic, kagalang-galang, at may-ari ng isang parlor ang papel niya sa "Ang Pagmamahal Ng Isang Amang Beki" episode.

Kung gagawin sa Magpakailanman ang istorya ng buhay niya, papayag ba si Cris?

Tugon niya, “Parang wala namang ganung katindi o kabigat na nangyari sa buhay ko.

“Parang wala naman akong makitang napaka-exciting sa buhay ko para iistorya.”

Ipalalabas sa Sabado, October 7, ang istorya ni Jeremy Subido.

Kasama ni Cris sa cast sina Miguel Tanfelix, Mel Martinez, at Leandro Baldemor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN