Dingdong Dantes and Marian Rivera sacrifice time for each other due to current projects

IMAGE Rose Garcia

Dingdong Dantes to wife Marian Rivera as a working parent: "Super Mom ka muna bago Super Ma'am."


Bihira raw magkita ngayon ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil pareho silang may pinagbibidahang primetime series sa GMA Network—Alyas Robin Hood para kay Dingdong at Super Ma'am para kay Marian.

Magkasunod din ang timeslots ng kanilang mga programa; una ang Super Ma'am at kasunod na agad ang Alyas Robin Hood.

Pero ayon kay Dingdong, sinusulit nila ang mga panahong nagkakasama sila ni Marian.

Saad ng 37-year-old Kapuso actor, “Bihira na kaming magkita, kaya kapag may opportunity, like weekend, sinisiguro namin na magkakasama kami. 

“Ano naman yun, hindi naman permanent ang ganitong trabaho.
 
“Isang project ‘to, one of many mula nang magsimula kami.

“Iniisip na lang namin na everything is for the future or our family, konting tiis ‘ika nga.”

Natutuwa naman si Dingdong na may malaking pagpapahalaga sa pamilya ang Kapuso network.
 
Aniya, “Malaking bagay talaga yung may management sa oras.

“Halimbawa, ang trabaho niya [Marian] ay M-W-F, kami rito ay T-Th-S.

“Mapalad kami na, yung GMA, na-consider nila yun.

"Sa kanila, mahalaga rin ang family. 

“Naiisip din nila na, siyempre, kailangan may maiiwan din sa bahay.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa taping ng Alyas Robin Hood sa Boystown, sa may Marikina City, noong September 28.

SUPER PARENTS. Samantala, nagkataon ding superheroes ang mga karakter na ginagampanan nina Dingdong at Marian sa kani-kanilang mga teleserye.

Ayon sa aktor, “Hindi naman namin hawak yun.
 
“Pero mukhang yun ang nagiging trend ngayon sa lahat ng nangyayari. 

“Gusto ng tao siguro na may ganun klaseng ehemplo, may ganung klaseng character gabi-gabi.”
 
Ano ang nararamdaman niya kapag nakikita niya ang fight scenes ni Marian sa Super Ma'am?
 
Tugon ng Kapuso Primetime King, “Siyempre, palagi kong sinasabi na mag-ingat siya.

“Baka mamaya, pag-uwi mo, bali-bali ang buto mo, hindi pupuwede yun. 

“Super Mom ka muna bago Super Ma’am.”
 
Nakaka-pick up naman daw ang anak nilang si Zia kapag napapanood sila sa TV.
 
Ayon kay Dingdong, “Sinasabi namin na ‘yan si Robin Hood, ‘yan si Super Ma’am. 
 
“Kapag nakakakita siya ng kulot, alam niya Super Ma’am.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nakakakita siya ng pana, alam niya Robin Hood.
 
Bilang mga magulang, malaki raw ang nabago kina Dingdong at Marian.
 
“Kasi, siyempre, nagbago lahat nang ikasal, nagkaroon ng baby.

“Talagang complete change, 360 degrees, at mas nakabuti para sa lahat, para sa amin.”
 
Mas kampante, mas solid?
 
“Oo, yun talaga, intimate,” pagsang-ayon ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN