Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros still intimidated by Tito, Vic & Joey

IMAGE Eat Bulaga! Facebook

Jose Manalo, Paolo Ballesteros, and Wally Bayola (L-R) bring their "Kalyeserye" characters to their new daily morning show on GMA Network, The Lolas' Beautiful Show.


Matagal nang katrabaho nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga! sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Pero “intimidated” pa rin daw sila sa tatlong haligi ng noontime show ng GMA Network.

Sina Jose (51), Wally (45), at Paolo (34) ay kilala rin sa tawag na JoWaPao; habang sina Tito (69), Vic (63), at Joey (70) ay nakilala rin bilang triumvirate na TVJ.

Ayon kay Paolo, “Kahit naman hanggang ngayon, intimidated [kami].”

Dagdag ni Jose, “Sanay na rin sila sa amin kahit off-camera.

“Naramdaman na rin namin kung paano nila kami tinanggap.”

Sabi naman ni Wally, “Pero andoon pa rin yung respeto.

“Minsan nga, kapag kumakain sila, ‘Sabay kayo…’

“Nahihiya pa rin kami. ‘Sige po, mamaya na po kami.’ Respeto…”

Maliban sa Eat Bulaga!, na napapanood mula Lunes hanggang Sabado, magkakasama rin ang JoWaPao sa bagong morning talk show ng GMA Network na The Lolas’ Beautiful Show, na umeere naman tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jose, Wally, at Paolo sa set ng kanilang programa, kahapon, October 4.

LUCKY TRIO. Nagkaroon daw ng realization ang mga host ng The Lolas’ Beautiful Show na masuwerte sila nang maging bahagi ng Eat Bulaga! 

Malaking bagay doon ay ang makakasama nila ang mga hinahangaang TV host-comedians, na dati lamang nilang pinapanood sa TV.

Given the chance, gusto nina Jose, Wally, at Paolo na mag-guest sina Tito, Vic, at Joey sa morning talk show nila para mas masaya.   

Sabi ni Wally, “Itatanong ko kung bakit hanggang ngayon, e, love na love pa rin sila ng mga masa. Ano ang secret nila?”

Bukod sa Eat Bulaga! at The Lolas’ Beautiful Show, magkasama rin sina Jose at Wally sa weekly comedy-variety show ng GMA-7 na Sunday PinaSaya.

Ayon sa dalawang comedians-TV hosts, hindi sila natatakot na maging biktima ng overexposure dahil iba’t ibang karakter naman daw ang kanilang ginagampanan sa mga shows na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga karakter nila sa The Lolas’ Beautiful Show ay hango mula sa pinasikat nilang mga karakter sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga!—sina Lola Lola Tinidora (Jose), Lola Tidora (Wally), at Lola Nidora (Paolo).

Sa tagal na nilang magkakasamang tatlo, hindi raw sila nagkakaroon ng samaan ng loob.

Ayon kay Jose, “Sa gusto, pare-pareho kapag magkakasama kami.

“Kapag nagdesisyon ang isa, unang-una sa pagkain, kapag sinabi ni Paolo na, ‘Ay, ito, ito,’ sunod na kami.

“Kapag nauna siya na magsalita, sunod na rin kami.

"Pero minsan mamimili kami kung ano ang gusto namin.

“Parang Eat Bulaga, ang tambayan nila, yung studio.

“Kami, ito ang tambayan namin [sa barangay], kaya kapag nandoon kami, nagkukuwentuhan lang kami.”

Patuloy niya, “Lahat, pati mga staff, masaya kami.

"Kaya yung ugali at kung paano magba-bonding, yun na ‘yon, e. Hindi magtatampuhan.

“Hindi naman kami magkakasama na gumigimik.

“Minsan sa mga gimikan pa nag-uumpisa ang mga ganyan.”

Dagdag ni Wally, “Sa tagal ng pagsasama namin, parang magkakapatid na kami.”

Malaki ang tsansang bukod sa morning talk show nila sa Kapuso Network, may pagsasamahan ding pelikula sina Jose, Wally, at Paolo.

Sinabi ng isang executive ng APT Entertainment—na pagmamay-ari ni Antonio Tuviera, na siya ring big boss sa TAPE, ang blocktimer na nagproprodyus ng Eat Bulaga!—na magkakaroon sila ng big announcement tungkol sa possible movie project ng JoWaPao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN