Aljur Abrenica on negative comments about his first MMK appearance: "Opinion na nila yun."

IMAGE Noel Orsal

Aljur Abrenica on his adjustments as a new Kapamilya: "Hindi ako professional, naging professional ako, naging on time ako, and kinikilala ko silang lahat. Kasi bagong bahay 'yan, e, bagong production 'yan, bagong mga katrabaho mong artista, kinilala ko sila isa-isa. Ganun."


Wala raw pagsidlan sa tuwa at pasasalamat ang puso ni Aljur Abrenica dahil mainit siyang tinanggap sa ABS-CBN bilang bagong Kapamilya.

Pahayag ng 27-year-old former Kapuso actor, “Grateful ako kasi may mga tao pa ring naniniwala sa akin.

"Unang-una, yung manager ko na tumulong sa akin na magkaroon ako ng panibagong buhay sa bagong network.

“At sa bagong network na ito, grateful ako, kasi mainit nila akong tinanggap, at higit sa lahat, naniniwala din sila sa akin.

“So, by that, everything nag-fall sa tamang lugar, at nandito na tayo ngayon, nasa Kapamilya network [na ako].”

CONQUERING HIS FEARS. Isa sa mga unang proyekto ni Aljur bilang Kapamilya ay ang isang episode ng long-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Gumanap si Aljur na anak ng isang school principal na naging volunteer janitress, na ginampanan ng beteranang aktres na si Chanda Romero, sa September 16 episode ng MMK.

Paano niya tinanggap ang hamon sa MMK?

Pag-amin ni Aljur, “Well, sa MMK, natakot talaga ako. Hindi siya nawala sa isip ko.

"Tapos, maganda pa nun, biglaan pa. Ilang araw before yung taping... three days?

"Basta less than a week na sinabi sa akin.

“Well, hindi naman importante yun, kinabahan talaga ako.

"Tapos, iba yun, nanood ako ng mga lumang episodes, mas kinabahan ako.

“Ang ginawa ko, hardwork talaga, trabaho talaga ako at binigyan ko siya ng panahon.

“At nung nalaman ko si Chanda Romero, mas gumaan ang pakiramdam ko.”

Nagkasama na raw sila ng beteranang aktres sa mga proyekto niya noon sa GMA-7.

Kabilang sa mga pinagsamahang teleserye nina Aljur at Chanda ay ang mga sumusunod: Luna Mystika (2008), The Last Prince (2010), Kambal Sirena (2014), at Once Again (2016).

Patuloy ni Aljur, “E, si Tita Chanda, personally, sa mga projects na nagawa namin, napakagaling niyang aktres.

“At hindi lang po siya magaling na aktres, naging nanay-nanayan ko rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam niya yung mga nangyayari sa akin. Alam niya mga personal sa buhay ko.

"So, nung nasa set kami, pinag-uusapan namin siya.

"Habang pinag-uusapan namin siya, mas nagiging kalmado ako, naging vulnerable ako, naging kampante.

"So, kapag nasa eksena kami, nakatulong siya."

Naging trending topic sa Twitter ang paglabas ni Aljur sa MMK.

Ngunit marami ang nagkomentong hindi raw nila ramdam si Aljur at nilamon daw siya ni Chanda sa mga eksena nila.

Kailangan pa rin daw ng maraming workshops ng dating Kapuso actor.

Ano ang reaksiyon ni Aljur dito?

Tugon niya, “Ang masasabi ko, yun nga ang priority ko—yung trabaho ko, yung acting.

“For me kasi, yung craft, yung trabahong pinasukan ko, dapat hindi ka tumitigil sa pag-aaral.

“Hindi naman po agad-agad na pagpasok mo dun, e, magaling na ako.

“Hindi naman ako nag-i-expect na pagkatapos nitong trabaho ko, e, pupurihin nila ako.

“Wala akong expectations. Hindi ako nag-e-expect ng puri sa kanila, o bashing sa kanila.

“Ang importante sa akin, unang-una, is napagbutihan ko yung trabaho ko.

"Pangalawa is yung maging effective tayo dahil sa mga nanonood.

"Di ba, yun naman yung gusto ko, e, yung may natutunan sana, di ba?

Dagdag pa niya, “Bashers? Sa mga nang-bash sa akin, opinion na nila yun.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa kanyang bahay, sa Quezon City, nitong nakarang Biyernes, September 29.


NEW HOME NETWORK. Noong sinabi sa kanyang magkakaroon na siya ng project sa ABS-CBN, kinabahan ba siya?

Malaki kasi ang expectations ng mga manonood sa mga lumilipat sa Kapamilya network.

Ayon kay Aljur, “Alam mo kasi, matagal na akong natatakot, e.

"Bata pa lang tayo, ang takot, laging nandiyan.

“Pero sa buhay, kung palagi kang natatakot, hindi ka magmu-move forward, e.

"So, pinili kong harapin, pinili kong huwag matakot.

"Pero kahit natatakot ako, harapin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang importante, ma-face ko yung fears ko... kumbaga nga, kasibihan, di ba?

"And by that, you move forward.

"Kasi ang dala-dala ko na para makayanan yun... mahirap yun, ha.

"Kasi totoo yung sinabi mo, Kapamilya, they’re all professionals, they know how to... pagdating sa pag-arte, hawak nila ‘yan.

"So, dahil dala ko si Alas, si Alas talaga, hinarap ko siya."

Ang tinutukoy na Alas ni Aljur ay ang two-month-old son nila ni Kylie Padilla na sa Alas Joaquin.

WORKSHOPS. Dahil ini-expect ng mga tao na kahit papaano ay ibang Aljur ang mapapanood nila sa ABS-CBN, nag-workshop ba siya bago isinalang sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Ang primetime series na pinagbibidahan ni Coco Martin ang unang proyekto ni Aljur sa ABS-CBN.

Saad ng StarStruck alumnus, “Pagpasok ko sa Ang Probinsyano, hindi ako nakapag-workshop agad.

"Ayun, thankful din ako kasi si Coco, nakausap ko... siya mismo, personal na sinabi niya sa Dreamscape na gusto niya akong kunin sa Ang Probinsyano.

"So, grateful ako sa kanya, bago lahat ang nangyari, kinuha na niya ako sa top-rated na show sa buong Pilipinas.

"So, wala ako masabi, thank you...

"After nun, dun pa lang ako nagkaroon ng workshop.

“Nakita niyo naman sa social media accounts ko, with Direk Ryan Carlos, ayun na, sunud-sunod...

"Nagkaroon na ako ng MMK, right now, yung Wansapanataym.”

Paano siya nag-adjust sa mga bagong nakakatrabaho niya sa ABS-CBN?

Saad ni Aljur “As an actor, as a working actor, ang mga adjustments ko, e...

"Hindi ako professional, naging professional ako, naging on time ako, and kinikilala ko silang lahat.

"Kasi bagong bahay ‘yan, e, bagong production ‘yan, bagong mga katrabaho mong artista, kinilala ko sila isa-isa. Ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN