Kisses Delavin defends Maine Mendoza from basher

IMAGE Instagram (@kissesdelavin)

ABS-CBN talent Kisses Delavin (left) said that she should not be compared to Kapuso star Maine Mendoza (right), who has already achieved so much in her career. "I'm just a newcomer and there's so much more I need to learn from her!" said Kisses.


Ipinagtanggol ng Kapamilya newbie actress na si Kisses Delavin ang Kapuso star na si Maine Mendoza laban sa isang basher.

Kaugnay ito ng Instagram post ni Kisses ng larawan nila ni Maine na kuha mula sa kanilang pictorial para sa isang endorsement noong Martes, October 3.

Tila naging instant fan ang dating Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate ng Eat Bulaga! mainstay.

Caption pa ni Kisses sa kanyang IG post: "So... I just met @mainedcm. Yep. I might be smiling but inside, I'm screaming! Woah grabee!!! Have nothing but beautiful words about this girl.

"Didn't expect her to be so kind! I admire her before, but now I admire her so much more when I met her up close.

"I so love people who are still so humble and approachable despite the success! I'm an instant fan of hers!"


Stories We Are Tracking

Maymay Entrata, Kisses Delavin fangirl over Maine Mendoza
Maymay Entrata, Kisses Delavin fangirl over Maine Mendoza

Sa comments section, isang netizen ang nang-bash kay Maine.

Sabi ni @trishaalcantara07: "Yak! si Maine? omg..... I hate her" 


Ipinagtanggol naman agad ni Kisses ang Dubsmash Queen.

Sabi ng 18-year-old Star Magic talent, “She is loved and admired [by] so many people and I’m one of them.

"And btw, if you meet her, you will regret saying that."


ON BEING COMPARED TO MAINE. Sa kabila nito, marami rin ang natuwa sa pagsasama ng dalawang artistang mula sa magkalabang istasyon.

Tinawag pa nga ni @archiecarrasco sina Maine at Kisses na “social media phenomenal superstars.”


Nagpasalamat si Kisses sa netizen, pero aniya, di hamak na mas malayo na ang narating ni Maine kumpara sa kanya.

Sagot ng PBB alumna, “I think ate Maine is so much more worthy for the term ‘phenomenal’!

“I’m just a newcomer and there’s so much more I need to learn from her!”


Samantala, ipinahayag naman ni Maine ang kanyang kagalakan na makita at makilala si Kisses, pati na ang Pinoy Big Brother: Lucky 7 big winner na si Maymay Entrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento ni Maine, “It was super nice meeting you guys, lalo na kayo ni Maymay! Hope to see you again soon!” 

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN