Kapuso teen star Prince Villanueva glad to be out of Daniel Padilla's shadow

IMAGE Instagram

"Yes! Wala na, wala nang Daniel, Prince na ako!" exclaims Kapuso teen star Prince Villanueva, who was initially being compared to Kapamilya star Daniel Padilla.


Noong unang pasok sa showbiz ang GMA-7 talent na si Prince Villanueva ay madalas siyang maikumpara sa Kapamilya star na si Daniel Padilla.

Marami kasi noon ang nagsasabing magkahawig sila.

Ngunit ngayon daw ay hindi na sila magkahawig ng La Luna Sangre actor.

Ikinatuwa naman ni Prince na nakaalis siya agad sa anino ni Daniel.

“Yes! Wala na, wala nang Daniel, Prince na ako!” bulalas ng 19-year-old newbie actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Prince sa taping ng Magpakailanman episode na “Ang Pagmamahal Ng Isang Amang Beki: The Jeremy Sabido Story” noong September 30.

Bida sa episode na ito, na ipalalabas sa October 3, sina Miguel Tanfelix at Cris Villanueva.

CAREER ADVICE. Pagdating sa kanyang showbiz career, inamin ni Prince na ang talagang idolo niya ay si Dingdong Dantes.

Si Dingdong ang bida sa primetime series na Alyas Robin Hood, kung saan kasama rin si Prince.

“Siya talaga yung hinahangaan ko, tapos nakatrabaho ko pa!” bulalas niya.

Ano ang hinahangaan niya kay Dingdong?

“Yung tindig niya, yung galawa niya, at kung paano siya umarte.

“Tinitingnan ko talaga, pinag-aaralan ko.

“Mabait pa, sobrang bait!”

May advice daw na ibinigay sa kanya ang Kapuso Primetime King.

“Tuluy-tuloy ko lang daw po ang studies ko. Huwag pong pabayaan.

"Tapos yung acting ko, i-master ko daw po yung craft para mas maging maganda ang outcome."

CRUSH LIST. Samantala, inamin ni Prince na crush niya ang kapwa-Kapuso na si Bianca Umali.

Kaya biro sa kanya, isusumbong namin siya sa ka-love team ni Bianca na si Miguel Tanfelix.  

Mabilis namang depensa ni Prince, “Crush lang naman, maganda kasi si Bianca.

“Crush ko si Bianca kasi humahanga ako sa kanya, magaling siyang umarte, tapos maganda, sumeksi.”

Alam ba ni Miguel ang ganitong paghanga ni Prince kay Bianca?

“Kakausapin ko naman siya tungkol dun, ‘Miguel, sinabi ko sa mga press na crush ko si Bianca.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Crush lang naman, e!’” natatawang sabi ng binata.

Sa tingin ba niya ay magagalit si Miguel?

“Hindi naman siguro. Kasi marami namang artista na nagkaka-crush kay Bianca kasi maganda talaga!”

Inamin din ng binata na crush niya si Pauleen Mendoza, na naging co-star niya sa part one ng Alyas Robin Hood.

Si Pauleen ay napanood din sa My Love From The Star.

Walang girlfriend si Prince ngayon, at wala rin daw siyang nililigawan.

“Focused muna po tayo sa career natin,” sabi ng teen star, na isa ring second year Marketing student sa Adamson University.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN