Aljur Abrenica thanks GMA Network for his first 10 years in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Pagbubutihan daw ni Aljur Abrenica ang trabaho sa ABS-CBN bilang bagong Kapamilya. Wala naman daw siyang mapiling gustong makatrabaho dahil lahat ng Kapamilya stars ay gusto niyang makasama sa mga susunod niyang proyekto. 


Kahit nasa bakuran na siya ng ABS-CBN ngayon, hindi maitatangging malaki ang utang na loob ni Aljur Abrenica sa kanyang dating home network—ang GMA-7.

Si Aljur ay sumali sa Season 4 ng sikat na artista search ng Kapuso network, ang StarStruck, noong 2006. Nakuha niya ang titulong Ultimate Hunk.

Simula noon, unti-unting nagkapangalan ang tubong-Pampanga na si Aljur.

Pahayag ng 27-year-old actor, “Sa GMA, nagpapasalamat ako sa kanila, kasi sampung taon ako dun.

"Doon ako nagsimula at dun ako unang nakilala.

“Dun, naging bread and butter ko sila.

"Dahil sa kanila, natulungan ko yung pamilya ko, nakilala tayo, tinulungan nila tayo na matupad ang pangarap natin.

"So, ang mensahe ko sa kanila, maraming-maraming salamat.

“At sana marami pa silang matulungang artista na kagaya ko.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa bahay nila ni Kylie Padilla, sa may Tomas Morato, Quezon City, noong September 29.

ALJUR AS KAPAMILYA. Nagsisimula nang umarangkada ang karera ni Aljur sa Kapamilya network.

Sunud-sunod ang kanyang proyekto mula nang lumipat siya rito mula sa GMA-7.

Ano ba ang career path niya sa ABS-CBN?

Ayon kay Aljur, “May mga pinaplano sila, pero hindi ko pa siya nakikita nang kabuuan.

“Pero, siyempre, meron talaga silang plano na pinag-uusapan, kasama yung management ko.

“Ako, handa na ako kung anong ibigay sa akin bilang isang aktor.

"Kung anong mapag-usapan nila ng management ko, tatanggapin ko ‘yan.”

Sinong Kapamilya stars ang gusto niyang makatrabaho?

Nakangiting tugon ni Aljur, “Dami. Lahat!

"Kung puwede, lahat sila. Lahat, e.

"Hindi ako namimili sa kanila, wala akong gustong… specifically na makatrabaho.

"Kung sino yung ibigay nila sa akin, gusto kong makatrabaho.

“Kasi pumasok ako dito para maging aktor, e, hindi para makatrabaho yung….

"Iniidolo ko sila, totoo yun, pero makikita at makikita ko sila, kasi same network na kami.

"Pero kung sino ang ibibigay nila, yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano siya kasaya ngayong naipagpatuloy na niya ang kanyang trabaho matapos ng ilang buwang pagkawala sa sirkulasyon?

Tugon ni Aljur, “Sobrang saya.

"Sa kabila ng lahat, lahat ng hirap, lahat ng sakripisyo, lahat ng pasensiya, lahat ng dusa... magtiis ka lang, pasensiya ka lang, piliin mo lang gawin ang tama, babalik at babalik din ang para sa ‘yo.

“Ito ang pinakaimportante dun, sa pinagdaanan mo, ay yung lesson dun sa natutunan mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN