PCOO Secretary Martin Andanar defends Mocha Uson amid fake news accusations

IMAGE Screengrab from Mocha Uson Blog on Facebook

Ipinagtanggol ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar (right) ang kanyang Assistant Secretary Mocha Uson (left) kaugnay ng akusasyong nagpapakalat ito ng fake news. Ginagawa lang daw ni Mocha ang kanyang trabaho bilang assistant secretary for social media ng kanyang opisina. 


Ipinagtanggol si Mocha Uson ng kanyang boss na si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Ito ay kaugnay ng batikos na ang PCOO assistant secretary at blogger ang pangunahing personalidad na nagpapakalat ng fake news.

Sa Senate hearing tungkol sa fake news kahapon, October 4, nagisa si Mocha ng ilang mga senador dahil sa mga pekeng balitang napo-post sa kanyang blog sa Facebook.

Ayon pa kay Senator Nancy Binay, dapat nang mamili si Mocha kung pagiging PCOO assistant secretary o ang pagiging blogger ang gusto talaga niyang gawin.


Stories We Are Tracking

Sonny Angara draws flak for tweet about Nancy Binay
Sonny Angara draws flak for tweet about Nancy Binay
GMA Network to Mocha Uson:
GMA Network to Mocha Uson: "There is no fake news here."

Ngayong Huwebes ng hapon, October 5, nag-Facebook live si Mocha kasama si Secretary Andanar.

Dito ay pinapurihan ni Andanar si Mocha bilang "defense secretary" ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ng PCOO secretary, “Si Mocha is a very unique personality and official.

"In a way, na yung tiwala sa kanya ng ating mahal na Pangulo ay napakataas sapagkat siya po ay, number one, may loyalty.

"Number two, siya po ang nagiging defense secretary ni Presidente.

“Kumbaga, ipinaglalaban si Presidente, so she is a unique personality in that sense.”

Diin ni Andanar, “But PCOO is not Mocha, Mocha is not PCCO.

"Siya ho ay tagapagtanggol ng ating Pangulo, and she has the confidence and the trust of the President.

“At yung assignment na ibinibigay ko kay Mocha... ganito lang po kasimple yung description ng trabaho ni Mocha—her job is assistant secretary for social media covering the President.

“Now, yung trabaho ni Mocha na sumama kay Presidente sa Marawi at kung saan-saan mang delikadong lugar, she is doing a fantastic job, because she is relaying the message of the President to the entire social media world, especially the followers of the President.

“And she is very effective at that.

"The fact that she has five million one hundred or three hundred thousand followers, and growing, it is a testament that she is very effective in what she does."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE FACE. Ayon pa sa dating news anchor ng TV5, kahit nagtatrabaho na si Mocha sa gobyerno, malaya pa rin itong mag-post sa kanyang blog upang ipagtanggol si Pangulong Duterte.

Taliwas ito sa opinyon ng ilang senador na dapat nang tumigil sa Mocha sa pagba-blog.

Saad ni Andanar, “Ngayon, kung meron siyang mga sinasabi sa kanyang mga social media page na hindi nagugustuhan ng mga kalaban sa pulitika, aba’y huwag niyo nang basahin kung ganun.

"Sapagkat si Mocha... [it] doesn’t mean that porke’t empleyado na siya ng gobyerno ay nawala na yung kanyang freedom of speech, freedom of expression.

"She still has those basic rights. She’s still a Filipina.

"And sinabi naman ni Mocha, right from the start na pagpasok niya sa PCOO, ay yung kanyang blog ay sarili niya at does not reflect the opinion…

"Her opinion does not reflect that of the department.

“So, ano bang problema?"

Kasunod nito ang pagdepensa ni Andanar kay Mocha sa akusayong nagpapakalat ito ng fake news.

Pahayag niya, “Now, marami kasi, e, sabihin niyo si Mocha, fake news, yung oposisyon, SilentNoMore, fake news, e.

“At least, si Mocha, may mukha… hindi ka nagpapakalat ng fake news.

"Ang sinasabi ko lang, yung mga kakampi ni Presidente, may mukha.

"Ang kalaban, tulad ng SilentNoMore, walang mukha.

"Tapos si Cocoy Dayao ay 'Cocoy duwag' ata, ayaw magpakita dun sa senado, so yun ang sinasabi ko."

Si Cocoy Dayao ang webmaster ng anti-Duterte blogsite na SilentNoMore.

Samantala, ang mga pinakaepektibong kritiko ng Presidente ay ina-out ng Duterte supporters at hinahanapan naman ng butas ng gobyerno mismo.

Nauna na rito si Senador Leila Delima, at kasama na ngayon dito sina Senador Antonio Trillanes at ang buong opisina ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN