Alden Richards reveals his late mother battled depression

IMAGE Instagram (@angpoetnyo)

Alden Richards (left) revealed on Twitter that his late mother battled depression. His tweet came a day after fellow Eat Bulaga! co-hosts Joey de Leon (center) and Maine Mendoza aired opposing views on depression.


Sa gitna ng usapin tungkol sa depression, inamin ni Alden Richards na ang kanyang yumaong ina ay nakaranas ng isang uri ng depression na nagpahirap dito.

Taong 2008 nang pumanaw si Rosario Reyes Faulkerson, ina ng tinaguriang Pambansang Bae, dahil sa chronic pneumonia.

Labing-anim na taong gulang lamang noon si Alden nang mamatay ang ina.

Sa kanyang tweet ngayong araw, October 6, sinabi ng 25-anyos na Kapuso actor at Eat Bulaga! host na nagkaroon ng bipolar depression ang kanyang ina.

Ayon sa website na www.nimh.nih.gov, ang bipolar disorder, o manic-depressive illness, "is a brain disorder that causes unusual shifts in mood, energy, activity levels, and the ability to carry out day-to-day tasks."

Nag-tweet si Alden isang araw matapos talakayin sa “Juan for All, All for Juan” segment ng Eat Bulaga! ang tungkol sa depression.

Sa episode ng Kapuso noontime show nitong Huwebes, October 5, nagbigay ng magkasalungat na opinyon sina Joey de Leon at Maine Mendoza tungkol sa depression. 

Sinabi ni Joey na ang depression ay “gawa-gawa lang ng mga tao.”

Pagkontra ni Maine, hindi biro ang depression at kailangang suportahan ang mga taong nakararanas nito.

Kinatigan ito ni Alden nang sabihin niyang “moral support” ang kailangan ng mga dumaranas nito.

Bukod kay Alden, may iba pang mga artistang nagpahayag ng kanilang opinyon tungkol sa depression sa pamamagitan ng Twitter.

Sinabi ni Iza Calzado na naging mahirap para sa kanyang pamilya ang pagkakaroon ng depression ng yumaong ina noong nabubuhay pa ito.

Si Iza ay dating co-host sa Eat Bulaga! bago siya lumipat sa ABS-CBN.

Inamin din ni Jake Ejercito na dumanas siya ng depression.

Nagpahayag din ng ganitong sentimyento sina Mariel de leon, Jodi Sta. Maria, Khalil Ramos, Jasmine Curtis-Smith, at Bela Padilla.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression
Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression
Fellow celebs react to Joey de Leon's comment on depression
Fellow celebs react to Joey de Leon's comment on depression


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN