Model-actor Sebastian Castro admits breakup with former ABS-CBN reporter Ryan Chua

IMAGE Instagram

Model-turned-actor Sebastian Castro reveals via Facebook that he and ABS-CBN reporter Ryan Chua have called it quits after being in a relationship for four years.


Inamin ng model-turned-actor na si Sebastian Castro na hiwalay na sila ng dating ABS-CBN reporter na si Ryan Chua.

Nagtagal ng apat na taon ang relasyon ng dalawa.

“Ryan and I recently broke up. It was a 4 yr-long relationship, in many respect my only serious one,” simula ni Sebastian sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, October 5. 

Hindi tinukoy ni Sebastian, 27, ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pero binanggit niyang maraming miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community ang hindi pumapabor sa pagiging vocal nila sa kanilang relasyon, lalo na't nariyan sila sa kanilang kinabibilangang industriya.

“Prior to becoming a couple, I came from a series of closeted relationships. Unfortunately, many LGBT+ still don’t feel comfortable coming out in this culture, much less in our respective industries.”

Pagpapatuloy ni Sebastian, “That’s one reason why we chose to share tidbits of our lives these last few years, and even now, that the relationship’s over, we’re happy we did, and we’re choosing to remember the best parts of it.”

Inamin ni Ryan ang relasyon nila ni Sebastian noong April 2014 nang i-post niya via Instagram ang larawan nilang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN