"Tawag Ng Tanghalan" semifinalist Anton Paolo Antenorcruz defended by partner over his past marriage

IMAGE Courtesy: @paoloantenorcruz on Instagram

Love wins! "Tawag ng Tanghalan" semifinalist Anton Paolo Antenorcruz (left) and his partner Archie Osio (right) stand by each other after videos and photos of the aspiring singer's past go viral on social media.


Ipinagtanggol ang "Tawag ng Tanghalan" semifinalist na si Anton Paolo Antenorcruz ng kanyang partner laban sa netizens na naghalukay sa nakaraan ng aspiring singer.

Pinag-usapan sa social media ang personal na buhay ni Anton pagkatapos niyang makapasok sa semifinals ng singing contest ng It's Showtime noong September 23.

Kumalat ang mga video at larawan ng kasal ni Anton noong 20 years old pa lamang siya.

Ikinasal siya sa Filipino-Australian celebrity chef na si John Carasig noong December 2012.

Ngunit pagkalipas ng halos isang taon ay naghiwalay rin sila.

Pareho na silang may ibang karelasyon ngayon.

Si John ay may karelasyong Filipino-Australian din.

Si Anton naman ay may boyfriend na nagngangalang Archie Osio, kapwa niya cabin crew sa Philippine Airlines.

BE HAPPY. Noong September 21, nag-post ng mensahe si Archie sa kanyang Instagram account.

Wala mang direktang tinukoy, malinaw na patungkol ito kay Anton at sa mga naninira rito.

Sabi ni Archie: “Pwede bang maging masaya na lang tayo sa mga taong nagtatagumpay? Bakit natin kailangan maghatakan pababa? #peace.”


Kinabukasan, September 22, muling nag-post ng pagsuporta sa kanyang partner si Archie.

Sabi niya sa kanyang post: “Ur past should not define u as a person. Things have been learned.”


SUPPORT ALL THE WAY. Ilang araw matapos ang stint ni Anton sa “Tawag ng Tanghalan” nag-post naman si Archie ng ilang larawan nilang dalawa.

Caption niya sa isang larawan: “Congrats Boss! will support you all the way!”



Sa kanyang sariling Facebook account, nagpasalamat naman si Anton sa pamilya ni Archie sa pag-sponsor ng mga ito sa kanyang meet-and-greet sa fans.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN