Gabby Eigenmann reveals close ties with Dingdong Dantes

IMAGE Courtesy of GMA Network

Gabby Eigenmann relates his closeness to Dingdong Dantes goes back to his late dad, Mark Gil: "Parang anak-anakan din ni Daddy 'yan, e."


Para kay Gabby Eigenmann, reunion serye nila ni Dingdong Dantes ang Alyas Robin Hood ng GMA Network.

Huli silang nagkasama sa Pari Koy.

Kumustang katrabaho si Dingdong, na isa sa pinakamalapit niyang kaibigan?
 
Ayon sa 39-year-old actor, “Swabe... it’s a joy to work with him.

“Unang-una, ninong siya ng mga anak ko, ninong ako ni Zia."

Si Zia ang anak nina Dingdong at Marian Rivera.

Patuloy ni Gabby, “It’s always nice to work with him. Si Dingdong kasi, family. 

“I don’t treat Dingdong kasi as a friend, I treat him as a brother.
 
“Yun din naman ang sinasabi ng daddy ko noong nabubuhay pa siya.

“Dingdong will never be just a friend to me, he’s like a brother to me.

"Parang anak-anakan din ni Daddy ‘yan, e.”

Ang ama ni Gabby ay ang yumaong aktor na si Mark Gil.
 
Nagkuwento rin siya tungkol sa pagiging close niya sa mag-asawang Dingdong, 37, at Marian, 33.

“Full circle kami, kasi si Marian, kinuha kong ninang sa kumpil ng anak kong lalaki.

“Si Dingdong, ninong din siya sa kumpil ni Gabbie Girl ko, ninong din siya ng isang anak kong lalaki.

“So, full circle talaga.

"Kaya noong sinabi kung puwede ba akong mag-guest sa Alyas Robin Hood, how would I say no?

“Kahit anong role pa ‘yan. Kahit magbuhat pa ko ng ilaw. Si Dingdong ‘yan, e.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa set visit ng Alyas Robin Hood, sa Boystown, Marikina City, noong September 28.

SENTIMENTAL CONCERT. Katatapos lang ng concert ng lolo ni Gabby na si Eddie Mesa, kasama ang Eigenmann clan.

Kilala si Eddie Mesa bilang "Elvis Presley of the Philippines" nung kapanahunan niya.

Anak ni Eddie at ng veteran actress na si Rosemarie Gil ang mga magagaling na artista na sina Mark Gil, Michael Mesa, at Cherie Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Gabby, “It was a very successful concert.

"I cried because part of the concert was a tribute para sa daddy ko.

“There was a song na hindi ko nakanta nang maayos, they were flashing pictures of my dad.
 
“Siyempre naaalala namin, lahat kami, rehearsal day pa lang, we were crying.

“It was a moving concert, nakaka-miss… rare moment na magkakasama ang mga Eigenmann sa isang stage.

“A dream come true for the family, kasi ang pangarap ko, magkakasama kami sa isang pelikula o teleserye. 

“Pero on a stage, it’s off the bucket list na yun.”
 
Sa ngayon daw ay pabalik-balik sa Amerika at Pilipinas ang lolo at lola niya.

Gusto rin daw magtrabahong muli ni Rosemarie.
 
“She wants to, matagal na ‘yan, ever since pabalik-balik sila rito. 

“Ang problema kasi that time, aalis na naman, babalik din sa States.

“Ngayon, medyo matagal-tagal sila, they’re probably spending Christmas here.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN