Can federalism solve Metro Manila's traffic woes? Lea Salonga hopes so

IMAGE Noel Orsal

Lea Salonga hopes that federalism can be a possible solution towards alleviating the worsening traffic crisis in Metro Manila. 


Ininusulong ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang federalism bilang bagong uri ng gobyerno para sa bansa.

Ito raw kasi ang susi upang magkaroon ng pantay-pantay na pag-unlad ang bawat rehiyon o federal state sa ilalim ng pederalismo.

Magiging paraan din ito upang hindi na kailanganing lumuwas ang mga taga-probinsiya sa Metro Manila para maghanap ng trabaho, dahil may pantay-pantay na oportunidad na ang bawat federal state.

Sa kanyang Facebook post noong nakaraang October 1, sinabi ng Pinay Broadway Diva na si Lea Salonga na pabor siya sa nasabing panukala kung makakatulong ito sa pag-unlad ng ating ekonomiya at sa pagbawas ng pagbulusok ng mga tao mula sa lalawigan patungong Metro Manila.

Saad pa ng The Voice of the Philippines coach, “I won’t pretend to know everything about federalism, but if it helps to alleviate congestion in Manila and makes other areas of the country more attractive economically, I’m all for it.”

Kalakip ng post na ito ang topic tungkol sa federalism na ipinost ng kaibigan ni Lea, kunsaan mababasa ang kanilang diskusyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN