Rufa Mae Quinto rushes fitness goals for TV comeback

After taking a short break from showbiz to fulfill her mommy duties, Rufa Mae Quinto is working double time on her fitness goals so she can regain her sexy figure.


Pagkatapos ng halos isang taong pamamahinga mula sa paglabas niya sa telebisyon, muling nagbabalik na ang award-winning comedienne na si Rufa Mae Quinto-Magallanes at tila meron siyang mga hashtags na #FitnessGoals at #BalikAlindog.

Two weeks ago ay napanood siya sa investigative crime drama ng ABS-CBN na Ipaglaban Mo bilang comeback niya sa pag-arte.

Marami ang nakapansin na hindi pa nakakabalik sa kanyang dating figure si Rufa Mae at halata pa rin ang kanyang bilugang katawan.

Kaya sa kanyang Instagram noong nakaraang October 4, nag-post ang komedyante na suot ang isang slimming corset para mabilis niyang ma-achieve ang kanyang dating sexy figure.

Inamin naman ni Rufa Mae na hindi raw madaling magpapayat lalo na’t noong pinagbubuntis niya ang kanyang baby na si Alexandria ay kain lang daw siya nang kain.

Pero hindi pa naman daw huli ang lahat para sa kanya at sa ibang mommies na gustong bumalik ang dating figure.

Para-paraan lang daw kung paano maging sexy ulit tulad ng ginagawa niya ngayon.

Heto ang post niya:

Yes ! Ganito talaga, imagine from double xxl na size ko, ngayon small size na , thanks to myself for getting @slimmingcorsetsph ! Hinde pa ako super payat Pero happy na ako, After giving birth to 8.3 lbs c-section to my little one @alexandriamagallanes (yes ang laki Nya Diba ?) Ang puson Pala ay babalik slowly sa Dati, so mga momshies, wag kayo mawalan ng pag-Asa ang manas at maga when preggy , huhupa din ang puson , babalik slowly , corset sa waist line to bring our sexy back sa post partum ! Pero it takes time, slowly ... patience , wait Lang ! Kahit Lumaki pa while preggy ayos Lang !!! I ate everything when preggy coz gusto ko maging complete, buo and healthy baby ko, you know first time mom, gusto mo the best for your daughter! Be strong kahit sabihin pa na ang laki or taba mo, kasi liliit din ! Kaya... mag corset na tayo haha ???? Tapos ,Kain na lunch guys! Sarap kasi kumain ???? Taping na ako again... see you all ????????

A post shared by Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto) on

May isa pang bagay na hashtag kay Rufa Mae at ito ay #ProudMama dahil pinost din niya sa IG ang latest photo ng baby niyang si Alexandria who just turned 7 months old.

Sa naturang photo ay sinabi niyang nagti-teething na raw ito.

Sunud-sunod na ang mga TV apperances ni Rufa Mae at ang latest na pinost niya sa IG ay ang guesting niya sa The Lolas’ Beautiful Show, ang morning talk show ng mga Kalyeserye Lolas na sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo).

Caption niya rito: “Nice to make people laugh ! Watch us on Monday #thelolasbeautifulshow”

Nice to make people laugh ! Watch us on Monday #thelolasbeautifulshow

A post shared by Rufa Mae Quinto (@rufamaequinto) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN