Kylie Verzosa admits ordeal with depression; supports mental health advocacy

IMAGE @kylieverzosa on Instagram

Miss International 2016 Kylie Verzosa openly acknowledges her past ordeal with depression, and calls herself a "proud survivor." Because of this, she has taken the initiative in urging others "suffering in silence" to speak out, and eventually win their own battles against depression.


Kabilang si Miss International 2016 Kylie Verzosa sa mga celebrities na nagbigay ng kani-kanilang saloobin via social media tungkol sa issue ng depression, bilang reaksyon sa naunang sinabi ng Eat Bulaga TV host na si Joey de Leon na “gawa-gawa” lamang ito.

Nang nanalo siya bilang Miss International noong nakaraang taon, ang kanyang advocacy ay ang magkaroon ng awareness ang marami tungkol sa mental health issues, kabilang na ang sakit na depression na pinagdaanan daw ng beauty queen noon.

Heto ang pinost ni Kylie sa Instagram account niya noong nakaraang October 6:

DOING HER SHARE IN BATTLING DEPRESSION. Sinusuportahan ni Kylie ang ipinasa na Mental Health Bill, at tumulong din siya sa pag-launch ng "Let’s Talk" campaign ng World Health Organization at Department of Health sa World Health Day noong April 2017.

Ang "Let’s Talk" ay nag-e-encourage sa mga taong dumaranas ng mental illness na humingi ng tulong at maging open sa kanilang sakit.

Kabilang si Kylie sa mga taong umamin na nakaranas ng depression noon, pero dahil sa kanyang advocacy ay nagagawa na niyang i-share ito sa marami.

Ito raw ang sarili niyang paraan para makatulong sa maraming taong dumaranas din ng ganitong uring sakit.

JOEY'S PUBLIC APOLOGY. Bagamat binatikos si Joey de Leon sa kanyang naunang pahayag noong October 5 na “gawa-gawa” lamang ang depression, agad namang humingi ng paumanhin ang veteran TV host sa mga nanonood via live TV.

Nitong nakaraang Biyernes, October 6, nag-public apology si Joey sa Eat Bulaga tungkol sa maling pagkakaalam niya sa sakit na depression.

Heto ang sinabi ng TV host:

“Dala ng gulo at tuksuhan natin, naging mababaw lang at magaan ang pagtanggap ko sa salitang 'yan. Hanggang nabanggit ko nga 'yung 'Wala, gawa-gawa lang 'yan ng ibang tao.' '

“Yun kasi ang paniniwala ko na ang stress tsaka depression, halos magkapantay lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag n’yong asahan na alam ko ang lahat ng bagay sa mundo.

“Habang nabubuhay po tayo eh natututo tayo ng mga bagong mga bagay-bagay. Nagkamali po ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN