Winwyn Marquez featured in Bolivian newspaper

IMAGE Instagram

Winwyn Marquez took to Instagram to post her recent feature in the society pages of the Bolivian newspaper, El Deber. She is the first Philippine candidate to compete in the Miss Reina Hispanoamericana pageant to be held in La Paz, Bolivia, on November 14.


Nagkakaroon na ng ingay ang Philippine representative para sa 2017 Miss Reina Hispanoamericana na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.

Kamakailan lang ay na-feature si Wyn sa society page ng El Deber, isang major Bolivian newspaper.

May title ang feature kay Wyn na “La Reina de Asia.”

Si Wyn ang kinoronahan bilang 2017 Miss Reina Hispanoamericana Filipinas sa Miss World Philippines 2017 pageant na ginanap noong nakaraang September 3, at first time naimbitahan ang Pilipinas para mag-compete sa Miss Reina Hispanoamericana pageant ngayong taon.

Sa La Paz, Bolivia, gaganapin ang Miss Reina Hispanoamericana pageant sa November 14. 

Dahil first time magpapadala ng candidate mula sa Pilipinas—at Asya—nagkaroon ng malaking interes ang pageant sa ipapadalang candidate.

Pinost ito ni Wyn sa kanyang Instagram account noong October 6, at nagpasalamat ito sa magandang feature sa kanya.


MORE COUNTRIES JOINING. Ang Miss Reina Hispanoamericana ay isang annual beauty pageant na sinasalihan ng mga bansang may Hispanic heritage, language, at culture.

Organized ito ng Promociones Gloria.

Noong magsimula ito noong 1991, ang tawag pa rito ay Reina Sudamericana or South American Queen.

Mga candidates mula sa sampung bansa sa South America lang ang puwedeng sumali noon.

Noong 2004 and 2006, ibinukas ang pageant para sa mga candidates mula sa Central America, tulad ng Panama, Costa Rica, Dominican Republic, Nicaragua, at Puerto Rico.

Sumali na rin ang bansang Spain.

Nitong 2007 and 2008, sumali na rin ang Mexico, Guatemala, Honduras, Curacao, Haiti at Estados Unidos.

Ito ang dahilan kaya ginawa nang Reina Hispanoamericana ang pangalan ng pageant.

Ngayon 2017, naimbitahan ang Pilipinas magpadala ng candidate sa unang pagkakataon dahil, sa pagiging former Spanish colony ng Pilipinas nang three centuries, may significant cultural ties ang bansa sa Latin America at Spain.

Magpapadala rin ng kanilang candidate ang bansang Canada ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN