Xander Ford to Ogie Diaz: "Pangit lang po ako at Retokado pero po hindi po ako masamang tao."

IMAGE iamxanderford Instagram

Xander Ford to Ogie Diaz and other naysaers: "alam ko wala akong tinatapakang tao alm ni papa god yan. Laking Mahirap lang po ako na gustong maiahon ang pamilya ko sa kahirapan." 


Nakiusap si Xander Ford sa radio host na si Ogie Diaz na huwag siyang "husgahan” at "siraan" nito.

Ito ay kaugnay ng Facebook post ni Ogie tungkol na “mayabang” ang social media sensation, kahit noong hindi pa raw ito nagpaparetoke at Marlou Arizala pa ang pangalan niya.

Ang basehan ni Ogie ay mga kuwento ng mga taong kilala niya.


Stories We Are Tracking

Ogie Diaz's singer friend claims Xander Ford is
Ogie Diaz's singer friend claims Xander Ford is "mayabang"

Sa kanyang sariling Facebook post nitong Sabado ng gabi, October 7, pinabulaanan ni Xander ang mga hindi magagandang kuwento tungkol sa kanya.

Direkta niyang tinukoy rito si Ogie at ang mga “galit” sa kanyang nagkakalat na “masama daw ugali ko” at “kesyo lumaki daw po ulo ko.”

Pahayag ni Xander, “Gusto ko po malaman nyo na Hindi naman totoo yung Ipapapakalat nyo about sa akin na masama daw ugali ko kesyo lumaki daw po ulo ko.

“paano nyo po nalaman? Buong buhay ko puro panglalait ang nakukuha ko sa mga tao. inilalabas nyo po na Hindi daw ako marunong makisama.”

Pagkatapos nito ay naglabas na ng kanyang hinaing si Xander sa mga taong humihila umano sa kanya pababa.

“una po sa lahat nag papakahirap ako para ipakita na Ginawa ko ang Procedure na ito kahit ayaw ko. para mabago ang tingin nyo.

“opo umiiyak ako kasi Hindi nyo po kasi Inaalam kung ano gina gawa ko. paano po ba gusto nyo gawin ko? Mag makaawa po ako hirap na hirap na po ako sa mga naririnig ko.

“nakakaiyak kasi kayo po yung matanda na dapat na nakaka unawa sa akin. pero kayo pa po ang nag Hihila sa akin pababa.”

Iginiit ni Xander na walang katotohanan ang mga kuwentong lumalabas tungkol sa kanya.

“sana Malaman nyo po na Wala akong alam sa sina sabi nyo. puro taping puro trabaho po ako wala po ako tinang gihan kahit sino po sa inyo. wala ako tinatapakang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“sana ipa alam nyo po sa akin kung ano po yung sina sabi nyo sa akin. nakikisama naman po ako. kung may naririnig kayo about sa kung ano man yun isang kadahilanan na pag iyak ko.

“Kung Ganyan po ang tingin nyo sa akin. Sorry po salahat ng mga Nagagalit kahit hindi ko po kayo kakilala. mag sosorry na po ako.”

MESSAGE FOR OGIE. Sa sumunod na pahayag ni Xander ay inakusahan niya si “The Ogie Diaz” ng paninira sa kanya.

“nag mamakaawa ako sana Tito Ogie Diaz Kausapin nyo muna ako bago mo po ako husgahan kasi po narinig nyo lang naman po. ano papot kayo ang hinahangan ko mula pag kabata ko tapos po ganyan po.

“sinisiraan mo po ako tito The Ogie Diaz wala po akong tinatapakan na tulad nyo

“nag Show po ako na minsan hindi ako nag pabayad. kasi gusto ko makapag pasaya ng tao at hindi manakit tulad po ng ginawa nyo sa akin ngayun.

“Sorry tito Ogie Diaz kung may nagawa po ako sayo. pasensya na po kung nasasapawan ko kung ano man po ang meron sa inyo. nang hihingi po ako ng pasensya.”

Diin ni Xander, “Pangit lang po ako at Retokado pero po hindi po ako masamang tao. Simpleng tao lang po ako at di kasing yaman at kasing sikat nyo.”

Dagdag pa niya, "Nag sosory po ako sa lahat ng mga taong Galit sa akin pasensya na po. Godbless po sa inyo Si god na po bahala sa Ginagawa nyo po sa akin.

“at sa akin alam ko wala akong tinatapakang tao alm ni papa god yan. Laking Mahirap lang po ako na gustong maiahon ang pamilya ko sa kahirapan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN