Ogie Diaz to Xander Ford: "Wag kang mag-play api-apihan, anak. Walang umaapi sa 'yo."

IMAGE Noel Orsal / iamxanderford Instagram

Ogie Diaz (left) to Xander Ford (right): "Nangyayari lang ang panlalait sa yo ng ibang tao kasi ikaw ang gumagawa ng dahilan para laitin ka nila."


Isang open letter para kay Xander Ford ang ibinahagi ng comedian/talent manager/radio host na si Ogie Diaz ngayong Linggo ng madaling-araw, Oktubre 8.

Ito ay bilang sagot sa pahayag ni Xander—dating Marlou Arizala—na hinushagan at siniraan siya ni Ogie nang mag-post ang huli ng mga kuwento tungkol sa pagiging mayabang umano niya.

Panimula ng talent manager ni Liza Soberano, “Di ko alam kung saan mo napulot yung hinuhusgahan kita. Hindi kita hinuhusgahan. Pinapayuhan kita.

“Alam ko nakinig ka ng radio program namin ni MJ Felipe kanina. Pero hindi kita hinusgahan.

“Kung huhusgahan kita eh di sana, inokray ko yung itsura mo ngayon. Ang sinasabi ko, anak, kung nabago ang itsura mo, sana pati pag uugali mo.”

Sina Ogie at MJ ang hosts ng radio program na O.M.J. sa dzMM, ang radio station ng ABS-CBN.

Patuloy ni Ogie, “Kung sinasabi mong hindi totoo ang lahat ng akusasyon sa yo ng pagyayabang at pagmamaldita mo sa marshalls ng abs-cbn at pagtaklob ng hood sa mukha mo dahil ayaw mong pagkaguluhan ka ng mga fans, depende naman yan kung sino sa ating dalawa o sa mga nakasaksi ang paniniwalaan ng mga tao.

“Kung hindi talaga totoo, eh di good. After all, mas kilala mo ang sarili mo kesa kilala ka namin.”


Stories We Are Tracking

Ogie Diaz's singer friend claims Xander Ford is
Ogie Diaz's singer friend claims Xander Ford is "mayabang"
Xander Ford denies attitude problem
Xander Ford denies attitude problem

“WALANG UMAAPI SA ‘YO.” Ngunit pinanindigan ni Ogie ang kanyang naunang pahayag at inulit ang ilang pagkakataong napuna ng iba ang hindi umano magandang pag-uugali ni Xander, kahit noong Marlou pa siya.

Sabi niya, “Pero, Marlou, andami namang nagpapatotoo ng asta mo kung nababasa mo ang mga comments sa posts ko, di ba? Ano yon? Nag-imbento lang sila?

“Wag kang mag-play api-apihan, anak. Walang umaapi sa yo. Wag kang umastang kawawa, kasi hindi ka kinakawawa.

“Nangyayari lang ang panlalait sa yo ng ibang tao kasi ikaw ang gumagawa ng dahilan para laitin ka nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto mo ba, i-screen grab ko ang mga nagpi-pm sa akin na nagpapatotoo na mas yumabang ka mula nang maging Xander ka?

“Hindi mo magugustuhan, anak, kaya pinili kong wag na lang ilabas.

“Pero nakita mo naman siguro yung sinabi ni Jeffrey Tam na may attitude problem ka kaya ka inalis noon sa Dolce Amore?

“Yung staff ng GGV, na-shock din sa naging attitude mo sa marshalls na hindi ka magte-taping hangga't hindi pinapapasok ang mga kasama mo? Ano yon? Sinisiraan ka lang ba talaga nila?”

Ang Dolce Amore ay ang hit primetime series ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil noong 2016.

Ang GGV namang tinutukoy ni Ogie ay ang weekly late-night talk show ni Vice Ganda sa ABS-CBN din na Gandang Gabi Vice.

ADVICE FOR MARLOU. Bwelta pa ni Ogie kay Marlou, “Kesa mag-asta kang kinakawawa ng mga tao, bakit hindi mo i-assess ang sarili mo, anak? Baka nga naman di mo namamalayan eh mali na pala ang mga asta mo, wala lang nagpapaalala sa yo.

“Hindi naman mahirap maging humble, Xander. Kaya mo namang ibaon sa lupa ang mga paa mo para lang matuwa sa yo ang mga tao sa larangang pinasok mo.

“Yang pagta-transform mo from Marlou to Xander, okay yan. Alam kong mahirap ang maintenance nyan, pero mas ramdam kong masaya ka ngayon sa itsura mo.

“Kesa magpaawa at iyakan ang panlalait sa yo ng ibang tao, eh ngitian mo na lang sila at pangarapin mong balang-araw, magugustuhan ka rin nila.

“At mangyayari lang yon kung tutulungan mo ring maretoke ang ilang ugaling ikinabuburat nila sa yo.”

Dagdag pa ni Ogie, “Wag kang mag-alala. Kahit nga ako, bina-bash ng ilang netizens, lalo na ng mga fans mo, pero iniintindi ko na lang din sila, dahil sanay na rin naman ako.

“Kaya cheer up, Xander. Lagi mo na lang tatandaan na ‘everybody is entitled to his own opinion’ and ‘you really cannot please everybody.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero if you always practice humility, mapapansin mo na lang din ang pagiging positive ng tingin sa yo ng mga tao.”

OGIE AS XANDER’S MANAGER? May hirit din si Ogie kung sakaling maging manager siya ni Xander.

“At kung gusto mo pa ng payo para magtuloy-tuloy ang career mo, nandito lang ako, pwede mo akong tanungin.

“Kasi kung ako ang magma-manage sa yo, gagawin talaga kitang mukhang artista.

“Papa-body scrub kita twice a week hanggang sa pumuti ang tuhod mo at maging flawless ka at ang mga braso mo para kaya mo nang mag-sando o short sleeves.

“Ipapa-workshop kita sa acting para prepared ka sa mabibigat na eksena.

“Kahit voice lessons, ipapa-coach kita, dahil nakita ko yung post mo na habang tumatae ka eh kumakanta ka ng 'Versace On The Floor' with matching pinapalo-palo mo pa ang pwet mo.

“Saka itse-check ko din kung natutulog ka nang maaga, dahil kung patuloy kang magpupuyat eh hindi guarantee na porke gwapo ka na ngayon eh hindi na babalik ang nakaraan.”

Sabi pa ni Ogie sa huli, “Hayaan mo, para patunayan ko sa yo na wala akong masamang tinapay sa mga pagsita ko sa yo, pag nagkita tayo, magpapa-picture ako sa yo. Kahit one by one, whole body.”

XANDER TO ANSWER. Sa kanyang Facebook post naman ngayong Linggo ng madaling-araw, October 8, nangako si Xander na sasagutin ang lahat ng mga isyu tungkol sa kanya sa pamamagitan ng programang Rated K mamayang gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN