Joshua Garcia and Julia Barretto cozy up as he marks his 20th birthday

IMAGE Instagram @garciajoshuae

Joshua Garcia and Julia Barretto show their affection for each other as she surprises the The Good Son actor with a cake on the eve of his 20th birthday.


Inihayag ni Joshua Garcia kung gaano siya kasaya nang sorpresa siyang dalawin ni Julia Barretto sa bisperas ng 20th birthday ng binata.

Sa caption ng kanyang Instagram post kahapon, Oktubre 7, sabi ng The Good Son star: “Maraming salamat baba, kahit may sakit ka pumunta ka pa rin. Mahal kita!”

Base sa video, nagdala si Julia ng birthday cake para kay Joshua at tila naiiyak pa ang huli habang taimtim itong nag-wish bago hipan ang kandila sa cake.


Kitang-kita rin ang pagiging sweet ng dalawa sa isa’t isa, lalo na nang yakapin ni Joshua ang 20-year-old actress.

May ibinulong din ang binata kay Julia.

Ngunit kung anuman ang pinag-uusapan ng dalawa ay hindi maririnig dahil naka-mute ang sound sa video post ng una.


Sa hiwalay na Instagram post ni Julia, nagpasalamat siya kay Joshua sa pagtanggap nito sa buo niyang pagkatao sa kabila umano ng paninira sa kanya ng iba.

“In the midst of all the judgments, the unkind words thrown at me, in the midst of all the hate and those who doubted me and my heart.

“There was you. You believed in me. You understood me. You embraced my soul.

“You saw the good in me and continue to bring out the best in me. You bravely and proudly call me your lucky charm despite the others who think otherwise.”

Patuloy ni Julia, “You protected me, cared for me and loved me for all that I am.

“You make me a better person baba, and I am so glad to have found my way to you.

“You are the real lucky charm.

“Today (and everyday), you deserve to be celebrated because there is absolutely no one like you.

“Thank you for being you. Happy birthday.”

Narito ang video collage ng kanilang sweet moments, na ibinahagi ni Julia sa kanyang Instagram:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Joshua na nagsimula siyang manligaw kay Julia noong Enero nitong taon, o ilang linggo matapos ipalabas ang pinagbidahan nilang Metro Manila Film Festival 2016 entry na Vince & Kath & James.

Nasundan ang kanilang pelikula ng Love You To The Stars And Back noong Agosto.

Dalana rin nang ipinapakita nilang sweetness, on and off cam, hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyong magkarelasyon na sila.

Ngunit ayon kay Joshua, nais muna niyang patuloy na manligaw kay Julia upang maramdaman ng dalaga kung gaano ito kaespesyal sa kanya.

Sabi ni Joshua sa August 30 episode ng Tonight With Boy Abunda, "Sa akin kasi, as lalaki din, gusto ko mag-effort pa rin, e.

“Sa tamang proseso, na nanliligaw pa rin ako. Para maramdaman niya din kung paano ligawan.”


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia on kissing Julia Barretto:
Joshua Garcia on kissing Julia Barretto: "Sa forehead lang."
Joshua Garcia, Julia Barretto hold hands amid tense moment
Joshua Garcia, Julia Barretto hold hands amid tense moment
Joshua admits saying
Joshua admits saying "I love you" to Julia Barretto


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN