Rom-com director Cathy Garcia-Molina to retire in two years: "It's time I give back my children my time."

IMAGE Mark Atienza

Film director Cathy Garcia-Molina plans to retire from directing in 2019. She revealed this during the presscon of her latest movie, Seven Sundays. She said, "My family needs me. My kids need me. I have given enough for the business and my company. It's time I give back my children my time."


Magreretiro na ang Kapamilya film director na si Cathy Garcia-Molina.

Aksidenteng naibahagi niya ito sa press conference ng pelikula niyang Seven Sundays kaninang hapon, October 8, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

Nabanggit kasi ng aktor na si Aga Muhlach na gagawa lamang siya ng teleserye kung si Direk Cathy ang magdidirehe ng proyekto.

Nang matanong ng isang reporter si Direk Cathy sa reaksyon niya dito, sinabi nitong hindi raw siya tatanggi, pero dalawang taon na lang daw siya sa ABS-CBN.

Sagot niya, "Aga Muhlach iyan, e.

"Oo-ohan ko 'yan, kaso sana umabot siya. Dalawang taon na lang ako, Aga!"

Dahil dito ay tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa general press conference kung magreretiro na siya.

Hindi naman itinanggi ito ni Direk Cathy.

Saad niya, "Yes, I am.

"Yes, I already told the company. Pero hindi pa ako pinapayagan!"

Ayon sa 45-year-old director, panahon na raw upang ilaan ang kanyang oras para sa dalawa niyang anak—na sina Kayin, 12, at Basha, 11—ang mga anak niya sa yumaong asawang si Philip Rey "Epoy" Molina.

Paliwanag niya, "My family needs me. My kids need me.

"I have given enough for the business and my company. It’s time I give back my children my time."

Pagkatapos ng Seven Sundays, na magbubukas sa sinehan sa October 11, dalawang pelikula pa raw ang gagawin niya sa Star Cinema.

Isa rito ang pelikula nila Sharon Cuneta at Robin Padilla, habang ang isa naman ay pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

KIDS AND BF. Pagkatapos ng press conference ay agad nilapitan ng PEP.ph at iba pang reporters si Direk Cathy upang makausap pa tungkol sa kanyang planong pagreretiro.

Ayon kay Direk Cathy, bukod sa kanyang mga anak, parte ng kanyang desisyon ay ang pagsasama nila ng non-showbiz boyfriend na ayaw na muna niyang pangalanan.

Sabi ng blockbuster director, "Siguro, nagkataon na nakahanap ako ng bagong partner in life who wants the same. Huwag na nating pangalanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang I believe hindi ko nabigyan ng time yung mga anak ko.

"They just turned 12 and 11, and next year teenager na sila.

"And kung hindi ko man sila nasamahan noong formative years, baka sakaling masamahan ko na sila in their adolescent stage, which is very difficult and very problematic to most parents.

"Parang here I am making films about family, about love stories, pero hindi ko siya kayang praktisin sa mga sarili kong anak.

"So sabi ko, maybe its time. I have given enough. I have given half of my life in the industry. Maybe it’s time I’ll give back."

Dagdag pa ng rom-com director, matagal na rin daw niyang pangarap ang maging isang housewife.

Mabuti na lang din daw at handa siyang suportahan ng kanyang boyfriend, na nagtatrabaho rin sa Kapamilya network.

Nakangiti niyang kuwento, "Sabi noong aking partner, siya raw ang bahala sa amin.

"Kasi ang dream ko sa buhay, open naman ako dito, is just to be a housewife and a mother. Never ko yung naabot.

"Ngayon someone is going to give it to me."

Sa February 2019 daw magtatapos ang kontrata ni Direk Cathy sa ABS-CBN.

CONTRACT RENEWAL OPTIONS. Bagamat hindi na raw niya balak mag-renew, bukas pa rin naman daw siyang gumawa ng pelikula.

Sa katunayan, gusto pa rin daw ni Star Cinema managing director Malou Santos at director Olive Lamasan, aka Inang, na gumawa siya ng kahit isang pelikula kada taon.

Paliwanag ni Direk Cathy, "I’m not parang open to renewing my contract, but according to Inang and Tita Malou, baka puwedeng once a year.

"Kasi gusto ko sa New Zealand. Kasi sa isang single parent na tulad ko, ayoko mag rely dun sa partner ko lang.

"E, ang babata pa ng mga anak ko.

"Hindi ko naman sinasara, e.

"If I retire, it doesn’t mean I’m not gonna come back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang kasi, for as long as what-if lang siya sa akin, lagi kong iisipin na it’s a better choice. So gusto kong i-live, i-try.

"And then maybe, sabihin ko, 'Ay hindi pala ako para dito, I want to go back.'"

Bakit niya napili ang New Zealand para sa lugar ng pagreretiro?

Sagot ng film-TV director, "Tahimik. Ang ate ko, nakatira doon, tapos siya nagsabi ng buhay [doon].

"So last year, my kids and I went there to see, and we loved it there."

Hindi naman nabahagi ni Direk Cathy kung may plano ba silang magpakasal ng kanyang boyfriend.

Nag-umpisa si Direk Cathy bilang intern ni Direk Chito Rono para sa 1992 movie na Narito Ang Puso Ko.

Pagkatapos ng ilang pelikula, kung saan nagtrabaho siya sa script continuity, naging assistant director siya sa Maricris Sioson, Japayuki (1993) at Maalaala Mo Kaya: The Movie (1994).

Nakatawid rin siya sa telebisyon bilang second unit director ng mga panghapong teleseryeng Marinella (1999-2001) at Mangarap Ka (2004).

Taong 2004 rin nang unang beses siya magdirek ng pelikula, nang siya ang humawak sa episode nina Sandara Park at Hero Angeles sa romantic trilogy Bcuz Of U.

Noong 2006 naman ay naatasan si Direk Cathy na idirehe ang kanyang first full-length film, ang Close To You, na pinagbidahan nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, at Sam Milby.

Ilan pa sa mga pelikula ni Direk Cathy na pumatok sa takilya ang: You Are The One (2006), One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), Miss You Like Crazy (2010), My Amnesia Girl (2010), Unofficially Yours (2012), It Takes A Man and a Woman (2013), Four Sisters and A Wedding (2013), She's Dating The Gangster (2014), A Second Chance (2015), Just The 3 of Us (2016), at My Ex and Whys (2017).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN