Xander Ford apologizes for hurting Ogie Diaz's feelings

IMAGE Xander Ford Facebook / Noel Orsal

Xander Ford's (left) public apology to Ogie Diaz (right): "Sorry po tito ogie kasi may mga nasabi po ako sa post ko kagabi na di naman dapat sabihin at makakasakit sa damdamin mo. Kasi po nasaktan din ako sa mga ibang nasabi nyo sakin. "Pero binasa ko po mabuti post mo ngayon at naramdaman ko naman po na concern ka lang din sakin."


Pormal na humingi ng dispensa ang social media sensation na si Xander Ford sa talent manager/actor/radio host na si Ogie Diaz.

Sa kanyang Facebook post ngayong Linggo ng gabi, Oktubre 8, binawi ni Xander ang alegasyong panghuhusga at paninira diumano sa kanya ni Ogie.

Kaugnay ito ng napabalitang insidente kunsaan sinigawan umano ni Xander ang isang security marshall sa pagpupumilit na makapasok ito at ang kanyang mga kasama sa loob ng ABS-CBN compound.

Si Xander, na dating kilala bilang Marlou Arizala, ay ang Teen Trends member na naging usap-usapan sa social media dahil sa pagsailalim niya sa cosmetic surgery ilang linggo na ang nakakaraan.

Pahayag ni Xander, “Lesson Learned. Nakausap po ng mga managers ko kanina si Tito Ogie Diaz tungkol po sa issue.

“Sorry po tito ogie kasi may mga nasabi po ako sa post ko kagabi na di naman dapat sabihin at makakasakit sa damdamin mo.

“Kasi po nasaktan din ako sa mga ibang nasabi nyo sakin.

“Pero binasa ko po mabuti post mo ngayon at naramdaman ko naman po na concern ka lang din sakin.

“Susundin ko po ang mga payo nyo at payo ng mga managers ko dahil yun ang tama.

“Pero po pagpaumanhin nyo po at sa mga ibang tao kung ang tingin nyo nagtataas po ako ng boses dahil natural ko pong boses medyo malakas at basag.”

Noong Biyernes, Oktubre 6, inihayag ni Ogie, sa pamamagitan ng Facebook, ang kuwento ng mga kaibigan niyang nasaksihan umano ang pag-aastang “mayabang” at ang hindi magandang pag-uugali ni Xander.

Nangyari raw ito, ayon kay Ogie, nang tumungtong si Xander sa ABS-CBN compound para sa taping ng Gandang Gabi Vice (GGV).

Kinabukasan, Oktubre 7, ay naglabas si Xander ng hinaing laban sa mga pahayag ni Ogie.

Nanindigan naman si Ogie na pawang katotohanan lamang ang inilibas niyang impormasyon at pinayuhan pa si Xander na “always practice humility” upang maging positibo ang dating nito sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos nito, tila nakapag-isip-isip si Xander o dili kaya'y nakakuha ng payo.

Nangakong aayusin ang sarili, hindi lamang sa panlabas na kaanyuan, kundi pati na rin sa pag-uugali.

Patuloy ng 20-year-old dancer, “Hayaan nyo po dodoblehin ko po ang efort ko na mabago lahat ng dapat ayusin para narin matanggap din ako ng mga taong namimisunderstand ang ugali ko.

“Parehas po tayo tito ogie na komedyante rin na gusto lang magpasaya ng tao.

“Masaya po ako dahil maganda naging usapan at nagkalinawan po kayo ng mga managers ko.

“Salamat po sa advice. Sorry po ulit.”

OFFICIAL STATEMENT. Kalakip ng Facebook post ni Xander ay nirepost din ng binata ang official statement mula sa kanyang talent management, ang Star Image Artist Management (SIAM).

Dito ay nakasaad na "exaggerated" ang naiulat tungkol sa pagiging "mayabang" ni Xander.

Nakipagbiruan pa raw ang dancer sa marshall ng ABS-CBN at sinabing, ""Kuya kilala mo ko? Ako si Xander Ford, pogi ko no?"

Pagkatapos ay nakiusap daw nang maayos si Xander na papasukin siya, pati na rin ang kanyang ama at managers na bahagi ng kanyang team. 

Ayon pa sa official statement ng SIAM, nagtakip ng hoodie sa mukha ang binata nang may magtangkang magpa-picture rito dahil wala pa itong makeup at hindi pa "presentable."

Sabi rito, "Actually his face is not yet 100% healed.

"His management suggested him as much as possible to avoid having pictures if he is not yet presentable like without make up and when his hair is not yet fixed.

"Lahat naman siguro ng tao conscious magpapicture especially with other people if he/she feels na di sya nakapag-ayos man lang.

"And again, the story has been exaggerated," his manager said.

Ang sinabi raw nila ay, "Wait lang po, mag-aayos lang si Xander," habang papuntang dressing room si Xander. 


Stories We Are Tracking

Ogie Diaz stands by his stories on Xander Ford's attitude
Ogie Diaz stands by his stories on Xander Ford's attitude
Xander Ford denies attitude problem
Xander Ford denies attitude problem
Ogie Diaz's singer friend claims Xander Ford is
Ogie Diaz's singer friend claims Xander Ford is "mayabang"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN