Ash Ortega no comment on reported breakup of Gabbi Garcia-Ruru Madrid love team

IMAGE Noel Orsal

Kapuso star Ash Ortega refuses to comment on the supposed breakup of the Gabbi Garcia-Ruru Madrid love team: "Well, no comment siguro. I think they're friends now sa naging ka-loveteam nila. Marami rin silang na-achieve sa career nila. I'm happy for them, pero wala akong masasabi and no comment. Basta, they're both my friends."


Hiningan namin ng comment si Ash Ortega tungkol sa tila pagkakabuwag na ng tambalang GabRu nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Sila kasi ang magkakasama sa Instadad noong 2015, nang simulang buuin ang GabRu.

Ngunit mas unang naging nagkapareha sina Ash at Ruru dahil nagkasama na sila noong 2012 sa pelikulang Bamboo Flowers.

“Talaga? Hindi ako aware sa isyung iyan,” at natawa si Ash.

“Si Gabbi at si Ruru? I don’t know.

“Actually, sa mga showbiz friends, hindi ko na sila masyadong nakakausap.

“Well, no comment siguro.

“I think they’re friends now sa naging ka-loveteam nila.

“Marami rin silang na-achieve sa career nila.

“I’m happy for them, pero wala akong masasabi and no comment.

"Basta, they’re both my friends.”

Si Ash ang may ka-loveteam ngayon, si Enrico Contreras, na kapareha niya sa Super Ma’am.

Sabi namin kay Ash, it’s her time to shine.

“Yeah, actually sobrang daming projects!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ash sa grand launch ng Super Ma’am, sa Le Reve Events Place sa Sgt. Esguerra Ave. sa Quezon City, noong September 11.

Bukod sa Super Ma’am, na daily weekday show, ay host rin si Ash sa Wowowin, na Lunes hanggang Biyernes ding napapanood sa GMA.

“Pero, actually now, irregular ako sa Wowowin,” paglinaw niya.

Sabay-sabay ang trabaho ni Ash, kasi ngayon ay may pelikula rin siya, ang The Haunted: Spirit of the Glass 2, ang Halloween offering ng OctoArts Film.

Sa Super Ma’am ay mean girl ang papel ni Ash.

STUDENT LIFE. Sa tunay na buhay ba ay naging maldita siyang estudyante?

“Oo naman, oo naman! As a student.

“Siyempre, may respeto naman ako sa mas nakakatanda sa akin, sa mga teachers.

“Hindi ako yung spoiled na kid.”

Wala ba siyang nagawang kamalditahan bilang estudyante?

“Siguro, yung nalalagay ako sa noisy students pag minsan,” at tumawa ang Kapuso young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nga, di ba, matsika ako sa mga friends ko, di ba friendly ako?”

Pero never raw siyang nag-cutting classes.

“Never ako nag-kodigo, never! Noisy, oo!” pag-amin niya.

THRILLED WORKING WITH MARIAN. Sa Super Ma’am, unang beses nakatrabaho ni Ash si Marian.

Aniya, “Sobrang kinikilig ako!”

Bakit siya kinikilig?

Saad niya, “E, kasi super fan niya ako!

“Right now nga pina-follow na niya ako sa Instagram and nagre-reply siya sa mga IG stories ko.”

Halos hindi nga raw siya makapaniwala noong una na kasama siya sa show ng Prime Time Queen.

Lahad pa niya, “Super excited!

“Sabi ko, ‘Yes, after four years in showbusiness, makakatrabaho ko na yung idol ko!’

“Hindi ako kinabahan na katrabaho siya, kasi sobrang gaan ng feeling ko sa kanya.

“Palagi lang siyang naka-smile, nag-a-approach siya.

“Siya pa yung una, kinakausap niya ako, ‘Saan ka nag-aaral?’

“Ganun siya, napakabait! Gusto niya na kaming lahat sa show maging close as a family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN