Dennis Padilla dishes real score between daughter Julia Barretto and Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

When asked if his daughter Julia Barretto and young actor Joshua Garcia are now in a relationship, Dennis Padilla said quite frankly: "Parang nga, e. Kasi madalas makitang magka-holding hands, sweet."


Pakiramdam daw ni Dennis Padilla ay magkasintahan na ang anak na si Julia Barretto at ang screen partner nitong si Joshua Garcia.

Pahayag ng 55-year-old comedian-director, “Parang nga, e.

“Kasi madalas makitang magka-holding hands, sweet.

“Wala pang sinasabi sa akin, pero sabi ko, magkita kami."

Paano kung malaman niyang mag-on na nga ang dalawa? Bilang ama, ano ang reaksiyon niya?

Ayon kay Dennis, “Okey naman.

“Basta yung sa akin naman, mahalin mo lang ang anak ko, huwag mong sasaktan.

“Kasi, siyempre, magulang ka, di ba?"

Paalala pa niya kina Julia at Joshua, na parehong 20 years old, “Alam niyo na ang ginagawa niyo.

“Nasa tamang edad na rin naman sina Julia, i-balance na lang niyo yung relationship at yung career.

“You have to balance it kasi you need to work.

“And, at the same time, you have to be happy.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa grand mediacon ng pelikulang The Barker, na ginanap sa Le Reve Events Place, noong October 6.

Ang The Barker, na pinagbibidahan ni Empoy Marquez, ang first directorial job ni Dennis.

DENNIS ON JOSHUA. Kumusta naman si Joshua sa pagkakakilala niya rito?

Nakangiting sabi ni Dennis, “Nakilala ko na si Joshua, e. Very respectful and mababa ang loob ng bata.

“And yung he has the courage na harapin yung tatay nung mahal mo, e, mahalaga sa akin yun.

“Nung Father's Day kasi, magkikita kami ni Julia, magdi-dinner, isinama ni Julia.

“Nakilala ko, natural. Nagkausap kami.

“And sabi ko nga sa kanya, ‘Mabait kang tao. Bago pa kita nakilala, bini-BI [background investigation] na kita.’

“Wala namang pressure, mabait siya.”

Sa tingin ba ni Dennis ay in love na rin ang kanyang anak sa manliligaw nito?

Diretsahang sagot ni Dennis, “E, ipinakilala mo sa tatay mo, di ba, parang nagpapaalam na rin yun.

“Happy naman siya. Kaya lang, nung time na yun, di pa sila mag-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko lang ngayon kung...”

Para kay Dennis, bagay ang dalawa hindi lamang onscreen, kundi maging sa personal na buhay.

Noong daw napapabalita ang panliligaw ni Joshua sa kanyang dalaga, iba raw ang pakiramdam ni Dennis.

Sabi ng komedyante, “E, noon, parang kinakabahan ako. Ngayon, hindi na.

“Kilala ko naman si Julia, she knows her limitations.”

Si Julia ang panganay sa tatlong anak ni Dennis sa dating asawang si Marjorie Barretto; ang dalawa pa ay sina Claudia at Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN